Mariin akong pumikit at napa iling-iling. Napatingin naman ako kay Jayden na may kinukuha sa refrigerator. Ano ba kasing naisip ko? A—ang akala ko kasi...hayy, bakit naman niya ako hahalikan huh? Nagiging assuming na ako kahit napaka imposible naman. Tumuwid ako ng upo nang nakatayo na si Jayden sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Napatingala ako sa kanya na ikinahinto ko. Napalunok ako ng sarili kong laway habang nakatingin sa kanya na umiinom ng gatas. Parang nag init agad ang pakiramdam ko habang nakatitig sa kanya. "Gusto mo din?" Nagising naman ako sa reyalidad ng mag salita siya. "Huh? Ano...hindi na," sabi ko. Kunot noo siyang tumingin sa akin at ako ay napaiwas na lamang ng tingin. "Ikaw na ang mag hugas niyan. Pupunta lang ako sa sala," pagpapaalam niya at napatango nama

