Nakaupo sa bangko na pahaba si Mia habang hinihintay na matapos sa pag-igib ng tubig si Holland. Sa laki ng katawan nito ay sisiw ang dalawang malalaking timba at nakatitig siya sa matitipuno nitong katawan habang lumalandas ang pawis sa walong packs ng abs nito. Minsan naiisip niya kung ano kaya ang nagustuhan sa kaniya ng asawa at halos sambahin siya nito. Kasi kung usaping ganda, talino at yaman, tiyak niyang maraming kilala si Holland lalo na at tumira ito sa ibang bansa. “Puno na wife, maligo na tayo,” untag sa kaniya ng asawa at tumayo na siya. “Mauuna akong maligo, magpahinga ka muna diyan,” sabi niya at aangal pa sana ang asawa nang mabilis niyang naisara ang pinto. Tumawa na lamang siya nang mainis si Holland dahil mahina rin nitong sinipa ang timba. Kahit malinis ang bowl dah

