Malalim na ang gabi nang makabalik sa Bataan ang mag-asawa at binuksan ni Holland ang TV at nilagyan ng unan ang sofa at pinahiga roon si Mia. “Matulog ka muna baby, gigisingin na lang kita kapag kakain na. Magluluto lang ako,” wika ni Holland. Agad na hinawakan ni Mia ang braso ng asawa at siya ang tumayo. “Ako ang magluluto baby, alam kong pagod ka.” Ngunit hindi nakinig si Holland at siya pa rin ang nagluto kaya si Mia ay nag-cellphone na lang. Ilang sandali pa ay naluto na ang adobo at kulang na lang ay subuan siya ng asawa. Gustong-gusto niya nang malaman ang naging lakad nito sa pamilya nito pero mukhang ayaw sa kaniya sabihin ng asawa. Marahil ay hindi maganda ang kinalabasan tumahimik na lamang siya at maghintay kung kailan sabihin sa kaniya iyon. Maging sa paghugas ng pinggan

