Nakatayo si Don Matthew sa harap ng mga nakaupong kapatid at pamangkin at dalawang anak na si Holland at William dahil ang dalawa pa nilang anak ay nasa abroad at nag-aaral. “I know we are all busy and I am grateful that you are all here this morning. I conducted this meeting not for business nor property but for our family. I know na pagkatapos nito ay tuluyan nang masisira ang ating angkan at handa kong tanggapin ang inyong kaparusahan kahit pa ang kamatayan. Pero ang hinihiling ko lang sainyong lahat ay huwag ninyong idamay ang asawa at mga anak ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.” Panimula ni Matthew at lahat ay nagkatinginan, banaag ang kunot sa kanilang mga mukha. Biglang umatras nang bahagya si William at napansin ni Holland na may ginagalaw sa il

