“Maya, nasaan ka, magpakita ka na Maya dahil malakas na ang ulan at baka mapagalitan tayo ni sister!” Walang humpay ang malakas na ulan kasabay ng mga hikbi ni Mia na wala rin humpay habang sinisigaw nito ang kakambal. Humandusay siya sa lupa at tinawag nang tinawag si Maya. “Mia, ano ang ginagawa mo bakit ka nagpapaulan?” tawag sa kaniya ni Siter Rosalie ang nakakabatang kapatid ng madreng kumupkop sa kanila. Mabilis siyang pinayungan ng madre at pilit na tinatayo pero ayaw niyang sumunod rito at hinihintay si Maya. “Wala riyan si Maya dahil naroon siya sa ospital.” Sa narinig ay biglang napatayo si Mia at sumunod kay sister. Kumusta pa ang kapatid ko, okay lang naman po siya ‘diba?” humihikbi pa rin na sambit ng batang babae. Tinulungan siya nitong makabihis nang makabanlaw siya s

