CHAPTER 28:
"Hoy! Irisian!"
Kadarating ko lang dito sa office ayan agad ang bungad sakin ng kaibigan ko.
"Wag ka naman sumigaw" Bulong ko sa kanya.
"Paanong hindi ako sisigaw?! Aber? Hindi ko man lang alam na may asawa ka na pala! Ang nakakaloka pa eh boss natin! At hindi lang boss natin kundi may ari talaga nitong kompanya na pinagtatrabahuhan natin! At hindi lang yung basta may ari kung hindi si Sir Zachary Levi Esqueza pa!" Pabulong pero madiin na bulyaw sakin ng kaibigan ko.
"Shh, Romeo baka may makarinig sayo"
"Ano naman?! Saka ikaw ateng ha?! Ang sama sama ng loob ko sayo hindi mo man lang nakawento sakin kahit pahapyaw lang kaya pala ibang iba ka na ng mga nakaraan araw o buwan. Akalain mo yun natago mo siya sakin ng ganyang katagal! At kay Ashley ko pa nalaman!"
Tinakpan ko na ang bibig ng kaibigan ko dahil nagsisimula na maglingunan ang mga kasamahaan namin "Ano ba Romeo walang pwedeng makaalam okay?"
"Anong walang pwedeng maka---"
"Romeo! Ikekwento ko sayo manahimik ka lang. Itikom mo munang yan bibig mo kung ayaw mong ipatanggal tayo ni Zach dito sa kompanya niya"
"Anong Zach?! Ateng! Kelan mo pa tinawag na Zach si Mr. Esqueza?" Nanlalaki na mata na tanong nito.
"Er, Ngayon lang?"
"Ateng naman! Ano ba nangyari sayo? Araw-araw naman kita nakakasama dito pero bakit walang pahiwatig. Oo alam ko at namin ng mga kaopisina natin na nag tatake advantage ka dahil dun sa Auction na napanalunan mo pero hindi yung ganyan. Asawa mo si Mr. Esqueza ateng! Ang sakit sa damdamin!" Inilagay pa ni Romeo yung sariling kamay niya sa dibdib.
Minsan talaga over acting tong kaibigan ko. Pero sabagay kung ako man mabalitaan ko na asawa niya si Zach nang hindi ko nalalaman magugulat din ako.
"Ateng ano ba! Hindi ka pa ba magkekwento dyan! Nagtatampo na ko sayo to the highest power!"
"Kumalma ka muna kasi Romeo" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat "Okay, Inhale. Exhale"
At buti sinunod nga ko ng kaibigan ko pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa with matching pikit mata pa kasi ang ginagawa ni Romeo.
Bigla ito dumilat "Dinidistract mo naman ako eh!"
"Oo na eto na nga ikekwento ko na"
Since maaga ako pumasok ngayon wala pa yung mga boss's namin kinwento ko na ang lahat mula sa umpisa hanggang sa kagabi. I owe him this.
***
"So ma contract ka na pinirmahan?"
"Oo"
"At may due date yun hanggang 9 months"
"Oo"
"At may punishment ka pag hindi mo nasunod yung isa sa mga rules niya?"
"Oo nga" The weirdest punishment of all.
Iiling iling ito na nakatitig sakin "Oh my! Ateng!"
Kinabahan ako bigla nabasa niya ba ang nasa isip ko? "B-bakit?"
"Patingin nung contract! Patingin!"
Tinakpan ko ulit yung bibig niya "Ano ba Romeo diba kasasabi ko lang na bawal may makaalam? Wag ka maingay saka wala naman pinagbago yung contract sa kwento ko. Kaya wag mo na tingnan saka Romeo dapat magpanggap ka na wala kang alam sa harap ng maraming tao lalo na't pag nasa harap mo si Zach" Nilakihan ako ni Romeo ng mata "I mean Mr. Esqueza, Ok?"
"Okay Ateng, Saka sino ba yung Ericka ba yun? Yung ex yung nakita mo kagabi?"
"Miss. Villafuente"
Nanigas kaming dalawa ni Romeo, At bumalik sa dating pwesto. Yung boss kasi namin sa department ang nagsalita. Lagi kami nahuhuli nag kekwentuhan niyan kaya minsan mainit dugo niya samin.
"Sir?"
"Pinapatawag ka ni Mr. Esqueza sa taas" Seryosong saad nito.
Kunwari naman na may tinatype ako "T-tapusin ko lang po it--"
"Ngayon na mamaya mo na tapusin yan. Importante ata, Hindi dapat pinaghihintay ang C.E.O ng kompanyang ito Miss. Villafuente"
Tumayo na ko "Sorry po, Sir. Sige po pupuntahan ko na si Zach"
Nagpanik ito at tumingin sa paligid. "I'm sorry Sir, I mean Zach. Ah! I mean Mr. Esqueza"
Nilakihan lang ako ng mata nito at nagmamadaling tumalikod na. Ano kayang meron dun? Mukang bad mood-good mood dahil hindi ako sinermunan?
Dumeretso na ko sa department ni Zach. Ngingiti ngiti naman sakin yung friendly na Secretary niya. Hindi kasi maganda yung huli namin pagkikita yung nag away kami ni Zach.
"Hi, Pinapatawag daw ako ni Za--, Umh, Mr. Esqueza?"
"Yes Miss. Villafuente pasok na po kayo, Mukang kanina pa kayo inaantay ni Sir"
"Thanks"
Binuksan ko dahan dahan yung pinto. And then I saw him, As usual my heart starts thrumping. Nakatalikod siya table niya at nakasilip sa binatana yung kamay naman niya nasa magkabilang bewang niya. Mukang ang lalim ng iniisip ni Zach ngayon. Well, He looks sort of tense.
"Knock knock?" I smiled.
Agad agad naman lumingon si Zach at nang makita na niya ko he looks like finally in relief "Iris" He said at niyakap ako.
Whoa "Sir?"
Kumunot naman ang noo ni Zach "What's with the 'Sir' again, Iris?"
"Oh, Sinasanay ko lang ulit tawagin ka ng Sir lalo na't ngayon nababanggit ko yung Zach sa harap ng maraming tao which is ikinagugulat ng mga naririnig"
"Okay lang sayo?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Okay lang sakin basta sa company mo lang at pag" Oh crap. I bit my lip.
"Pag?" He asks.
"Pag you know, Za-- Ah, Sir. Pag we're doing our thing" Sigurado ako namumula na ko ngayon na parang kamatis ano ba naman tong utak na 'to lumalabas agad sa bibig ang naiisip ko.
Tiningnan ako ni Zach na tila nag pipigil nang ngiti.
"Don't" I said, embarrassed.
"What?" Still refraining himself from laughing.
"Mr. Esqueza!"
He laughed na tila nawala na ang tensyon nito sa katawan kanina "What? Iris?"
"Nothing" I look away.
"Mrs. Esqueza"
"..."
"Love"
"..."
"Irisian Marie, Look at me" There's a command in this voice kaya tumingin agad ako.
"Bossy" I said and rolled my eyes.
"I know and you know that its my nature" He smirked "Our thing, Iris?"
Arggh ayan nanaman siya! Parang hindi lang kasi ako sanay na pinag uusapan ang 'Our thing' na ganito face to face too awkward.
"Well, Sir. Ngayon mo lang ba narinig yan?"
Tumango ito "Usually kasi ang tawag namin ng mga slaves ko dyan foreplay thing"
Oh crap. Seriously foreplay? Ayun ang tawag nila? "F-foreplay?"
"Yes and here you are Iris, calling it our thing. Iba ang persepsyon mo sa kanila that's one thing I like about you. You're truly different"
"I guess I'm just weird"
"Weird is good than normal. And normal is boring"
"That's why you love being weird?" Oh no. Bat ko ba nasabi yun? Tila may gulat naman na rumehistro sa muka ni Zach. s**t. Gusto ko hilahin ang dila ko.
"Yes, We are all weird and life's a little weird. All we have to do Iris is to find that person who is compatible to our weirdeness"
I stared at him, disbelief. Then I continue "And then we join up with them and fall into mutual weirdness and call it love"
"Dr. Seuss" He said.
Wow. Just wow. Hindi ako makapaniwal na we're having this conversation. Bigla naman bumukas yung glass door. Of course yung Secretary niya again. Just like before.
"Sir, Nakaready na po yung sasakyan at inaantay na po kayo sa baba"
"1 minute" Deretsong sagot ni Zach.
"Okay, Sir"
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.
He tucked my hair behind my ear "Iris kaya kita pinatawag dito para mag goodbye sayo"
What?! Oh no no no. No goodbye. Not that please. Hindi ko yan narinig.
"No" Sagot ko agad.
"Iris"
Nagpanik na ang katawan ko, nagpoprotesta "You said to never leave you, Right?"
He chuckled.
Oh?
"Love, one night lang naman yun. Alam kong mamimiss natin ang isa't isa pero kailangan ko talagang umalis para sa out of town meeting again. Pero kung gusto mo yung mga kameeting ko na lang ang papapuntahin ko dito"
Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Gosh, Mini heart attack.
I laughed "Sorry akala ko kasi you know, Umm. Pero it's okay aantayin kita andito lang naman ako sa kompanya mo buong maghapon at pag natapos ako dito dederetsong uwi na ko sa bahay para di ka na mag alala" Yes, knowing Zach ayaw niya kung saan saan ako magpunta.
"But in one condition"
He raises his eyebrow.
"Walang magbabantay sakin. Walang Ashley the chaperone tonight or Ashley the bodyguard, Please?"
He closes his eyes "You know I can't do that"
"Please please" Hinawakan ko ang muka ni Zach "Promise. Ilolock ko ang pinto at hindi ako magpapapasok pag may kumatok. So please"
"No"
"Please?"
"I said no"
Ginagawa nanaman niya kong bata! "Fine" Akmang tatalikod na ko ng hilahin ni Zach ang braso ko.
"Okay Miss. Villafuente, No Ashley. No bodyguards. Use your phone always. Once na matakot ka o may kailangan ka o pakiramdam mo may ibang tao na papasok sa bahay call me or Ashley, Alright?"
Tuwang tuwa ako although feeling ko daig ko pa ang isang elementary na mag fifieldtrip for the first time at baka maligaw. "Sir! Yes, Sir!"
Hahalikan na ko dapat ni Zach ng may kumatok nanaman. "Sir? Kanina pa po naghi--- Ay sorry po"
"Go" He snaps.
I rolled my eyes "Let's go kanina ka pa hinihintay ng driver sa baba"
"Kaya ko sila binabayaran para dun"
"You're being rude Mr. Esqueza"
"Not rude. Just stating the fact Mrs. Esqueza"
***
Nasa elevator na kami at department ko na nag stop. Good thing walang tao.
"Iris use your phone, Okay?"
"Yes. And please take care, Okay?"
"I will" I kissed him lightly.
Humakbang na ko palabas ng elevator at humarap ulit kay Zach
"Goodbye Sir, Have a safe safe trip" I said.
"Have a safe night Iris"
"Okay, Sir"
"Your phone" He reminded me again and again and again. Parang masasave naman ako ng phone kung sakaling may mangyaring masama. Oh knock in the wood.
"Yes, Sir" I answered.
At sumara na ang elevator. Parang baliw nanaman ako nagngingingiti pag pasok ng department. Pero this time walang pumapansin sakin dahil ang atensyon ng lahat ay nasa opisina dati ni Miggy. Oh? Bumalik kaya siya?
Nilapitan ko si Romeo "Bakit nagkakagulo sila? Specially yung mga lalake?"
"New boss" Bitter na sagot nito.
Natawa ako "Maganda no? Kaya ang sama ng loob mo?"
"Wag mo kong tanungin ngayon may dumagdag nanaman na kakompetensya sa kagandahan ko"
"Maganda nga?" Tanong ko ulit.
"Para sakin? Hindi maputi lang"
Iiling iling na lang ako at lumakad syempre kung babae magiging boss namin mas madali kong makakaclose. Nakipag siksikan ako sa mga tao na sumisilip din parang may artista lang sa loob ah?
Unang nakita ko yung likod. Mukang maganda nga at sobrang puti ang haba din ng buhok. Pero parang hindi naman ata mukang pang opisina yung suot niyang palda sobrang ikli. Gumagalaw galaw pa yung buhok nito habang kausap yung boss namin, Si sir na natetense kanina.
Napagasp yung mga lalaking katabi ko ng mag side view yung babae. Well, she looks familiar. Ngiting ngiti padin itong kausap yung boss namin. Wow, Mukang mabait at may part sakin na gusto ko siyang maging kaibigan.
Nagulat ako ng sumigaw ang katabi ko "Ang sexy ng bagong boss natin! Sa wakas chance na naming mga lalake!"
Dahilan upang makuha ang atensyon ng nasa loob at lumingon sa direksyon namin. Nanigas ako, At isang iglap tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Oh no it can't be.
Nakangiti padin yung babae habang nakatingin sakin and she mouthed
"Nice meeting you again"
Holy cow! Ericka?