Chapter 29

1353 Words
CHAPTER 29: "Padaanin niyo ko" Nagmamadali akong bumalik sa desk ko. Crap. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Pag nakikita ko yung babaeng yun kinakabahan talaga ako. "Atey! Nakita mo na ba? Diba map--- Huy atey! Ano nangyari sayo parang nakakita ka ng multo?" "S-si Ericka" Umupo si Romeo sa tabi ko "Bakit anong meron kay Ericka bumalik na ba siya?" Nate tense ko na tinitigan si Romeo mag sasalita na dapat ako pero inunahan nako. "Oh my goodness atey! Wag mong sabihin ayun si Ericka?!" Tumango lang ako naramdaman ko naman ang pag vibrate ng phone ko. Zachary calling... Hindi ko sinagot. How dare he! Na ipasok niya si Ericka dito at boss pa sa mismong department ko. 1 message received. -- From: Zach To: Iris 10:15 a.m. Answer your phone. -- Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya kaya sa sobrang inis ko inihagis ko sa drawer ng table ko yung phone. "Atey okay ka lang?" "Boss ko na din ngayon ang ex ng asawa ko. I'm okay. I'm really okay" Sarkastikong sagot ko. "Nako, Ano naman atey? Edi wag kang magpatalo lumaban ka! Ex lang yun ibig sabihin past na" "Diba pag bumalik ang past present na ulit?" Nanghihinang sagot ko Hindi naman nakasagot pa si Romeo. Narealize niya siguro na may tama ang sagot ko. "Okay, Back to work guys!" Sabi ni Sir. Adrian yung natetense kanina lang. Kumululo talaga ang dugo ko pag naiisip ko nasa iisang room lang kami ni Ericka. Kaya hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako patungo sa office nito. May binabasa ito sa papel ng pumasok ako. Kahit simpleng nakaupo ito bakit may dating padin? " I knew it" Tumingala ito sakin ng maramdaman ang presensya ko at ngumiti "Hindi ka na nakapag hintay na makausap ako?" Ericka bit her lip "How sweet of you" "Wala akong panahon makipag biruan sayo" Seryosong banggit ko. Andito padin ako malapit sa pinto ayokong lumapit sa kanya baka ano lang ang magawa ko. "As I expected. Teka nga Irisian, Right?" "Iris" "Oh whatever. Bakit ka ba naiinis ngayon andito ako? As far as I remember wala pa nga akong ginagawang masama eh. Paano pa kaya kung meron?" Tumayo ito at dahan dahan naglakad sa gilid ng table. Habang tinititigan ko siya di ko maiwasan ikumpara ang sarili ko I'm slim but Ericka is sexy. "Chill" Sambit nito "Welcome party ko pa lang 'to" Ericka giggled. "Paano ka nakapasok dito?" Medyo tumataas na ang boses ko. "Hmm, Nag taxi pumasok sa entrance sumakay ng elevator at naglak--" "Answer me seriously" I gritted through my teeth. Umupo si Ericka sa table at nag cross legs "Mali naman kasi ang tanong mo Irisian" "Sabi ko Iris" "But I like Irisian, Come on ang sarap kaya banggitin. So well balik tayo sa tanong mo" Ipinatong ni Ericka ang kamay nito sa table. Ang nakakainis lalo muka siyang naglalaro "Dapat sino ang tanong mo. Sino ang nagpapasok sakin dito" I creased my forehead "Then who? Wag mong sabihin si Zach" diniinan ko ang huling salita na binanggit ko. "Ang galing mo Irisian" Ericka smirked. "What?!" She laughed loudly "Pero nag jojoke lang ako, Chill. Actually it was your boss. Oh wait I forgot his name ady I mean adryn?" "Adrian" I corrected. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Zach. "Two points Irisian. Nakakalamang kana sakin ha?" "Hindi ako nakikipag kompetensya sayo, Ericka. Saka bakit ka naman papapasukin nun dito? Wala ka naman experience" "Experience? Not really pero sexperience pwede pa" She winked. "You sleep with Sir. Adrian?" I ask, shocked. Hindi si Sir ang taong nakikihalubilo sa mga babae. "Ooh, Literally" Humina ang boses nito "We didn't sleep. So can you keep it a secret?" I stared at her disbelief "Ano bang gusto mo bakit ka andito?" "Zach, Of course tinatanong pa ba yan?" "Anong kailangan mo kay Zach?" My voice is too annoyed and jealous. "That's for you to find out. So enough questions for today Irisian. You may leave" Dahan dahan na banggit nito. Sinong inutusan niya? Ako? As if naman mapapasunod niya ko. Alam ko na maybe just like other slaves takot din si Ericka kay Zach. "Alam ba ni Zach na andito kana?" Pananakot ko. Hindi man lang nagbago ang expresyon ng muka nito "Maybe yes, maybe no" "Alam niya ba na dito ka nagtatrabaho? Sa mismong company niya?" May pagbabanta sa tono ng pananalita ko. May kinuha naman itong papel mula sa likod at binasa "Go on and tell him. Para makauwi agad si Zach sa out of town meeting niya diba bukas pa dapat siya uuwi? Malay mo mapaaga ang sweet reunion namin" Crap. Pati schedule ni Zach meron siya? What is she now? A stalker? "So if you'll excuse me Irisian, I have many things to do" Lumakad ito sa gilid ko para buksan ang pinto "You may leave. Now" I rolled my eyes habang si Ericka nakangiti padin. I inhaled "Maybe ikaw nga ang first sa lahat Ericka. Pero binasura kana niya. Don't you remember nang sabihan mo siya ng I love you tinulak ka niya palayo? So Ericka, Goodluck to you this time" Pahakbang nako ng hawakan ni Ericka ang braso ko. Gulat ang rumehistro sa muka nito "Really? Nakwento niya yan lahat sayo? Well you must be somehow different pero ito ang tatandaan mo iiwan ka din niya tulad ng ginawa niya sakin at sa iba. Goodluck to you too, Irisian" Ngumiti nanaman ito na kay tamis. "Hindi mo makukuha si Zach dyan lang ako sigurado" "Dear Irisian" Pag uumpisa nito "Actually na kay Zach naman talaga ang desisyon malay mo pag nagkita kami ulit? Marealize niya na ako pala talaga ang para sa kanya? Pero syempre na kay Zach padin yun. Hindi mo naman siguro siya masisisi after all this time magustuhan niya na ko look at me, Irisian. I'm quite different so if I were you uumpisahan ko nang talian si Zach" "Hindi ko na kailangan talian si Zach dahil di mo naman siya makukuha in the first place" Pagmamatigas ko. "Oh well, May nakalimutan pa pala ako" Sinandal ni Ericka ang ulo niya sa pintuan "P.s. Wala naman akong balak agawin si Zach nakakatuwa ka lang asarin. Truly yours, Ericka" Nagtitigan kami ni Ericka ng mata sa mata hindi ako magpapatalo. Hanggang sa biglang napalipat lipat ang mata ni Ericka at umiwas na sakin. And I see it myself naramdaman ko. Like me she's been faking to be strong. She's trying to be a confident woman tulad ng mga gusto ni Zach sa babae. "Go" Tinulak na ko nito sa likod para makalabas na ng tuluyan sa office niya. Hmm, She has weakness like me like every other girls in the world. Pero nakikita ko din si Zach sa kanya kaya nito magbago ng mood sa isang iglap lang at itatago agad. Weird ex, I guess. Naglakad na ko patuloy sa desk ko. "Hi boys" Nangaakit na bati ni Ericka sa mga kaofficemate ko na lalaki na nakatingin sa kanya. Hindi ko din masisisi ang mga lalaki kung mapatingin sa kanya dahil hindi ko na kailangan ideny na maganda talaga si Ericka, kahit naiinis ako. Bakit ba kasi nagkaroon pa si Zach ng ganitong Ex? An Unbelievable human being. Napailing na lang ako. Goodluck to my life. Pagdating ko sa desk kinuha ko agad ang phone ko. My poor cellphone nadamay pa sa pagkainis ko. 6 missed calls Puro galing kay Zach. -- From: Zach To: Iris 10: 33 a.m. I told you to use your phone, Didn't I? Not happy. -- I sighed my ever bossy husband. Andito lang naman ako sa mismong kompanya niya. Pero tama si Ericka pag sinabi kong andito na siya malamang uuwi agad si Zach at mapapabilis ang pagkikita nila. Ayan ang ayokong mangyari. So I type. . -- To: Zach From: Iris 10:56 a.m. I'm sorry ang dami ko lang dapat tapusin. These past few days nakakalimutan ko na silang gawin. Because of you, My sweet and sexy distractor. I miss you already. Come home safely. I love you and I love you and I love you. Sent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD