Eeya
"Brandon," nilingon ko siyang ang sama ng tingin sa lalakeng nagtatanong sa akin. Parang kung wala lang siyang hawak na tray manununtok na siya agad.
"Ah. . sorry kuya pero may kasama ako eh." Agad naman na ngumiti ng alanganin 'yong lalake at humingi ng pasensya saka umalis.
Agad naman umupo sa harap ko si Brandon na hanggang ngayon magkasalubong parin ang kilay at kunot-noo. Ang sama parin nang tingin niya, habang inaalis sa tray 'yong isang bucket ng chicken joy, plato, kutsara't tinidor.
Inabot niya muna sa kin ang credit card niya at binalik ko sa wallet niya.
Tinulungan ko narin siya sa pagaayos matapos dahil ang dami niyang in-order, i-take out ko nalang 'yong sobra para sa kanila Izzy at Lola. Pero hindi na pala dahil may lumapit sa amin na lalakeng crew at nilapag ang take-out na isang bucket din, family set ata 'yong in-order niya.
Ang dami! Nagningning ata 'yong mga mata ko saka ngumiti at nagpasalamat sa lalake.
"Pwedeng 'wag kang basta-bastang ngumingiti sa iba lalo na kung sa lalake?" Biglang sabi naman ni Brandon nang nakaalis 'yong server.
"Huh? Pwede ba 'yon?" Tanong ko naman habang binubuksan 'yong kanin na nakabalot at dahil mainit pahinto-hinto ang pagtanggal ko.
"Tsk. Never mind." Sagot nito.
Agad naman kinuha ni Brandon at dere-deretsong tinanggal 'yong nakabalot sa kanin ko na parang wala lang, tumingin ako sa kanya at gano'n din ang ginawa niya sa kanin niya matapos nilukot saka niya ako nilagyan ng manok sa plato ko.
Inaasikaso na naman niya ako. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Bigla namang nawala 'yong kunot noo niya at umaliwalas ang mukha niya. Saka siya nag-iwas ng tingin at binigay sa akin ang gravy na nakalagay sa malaking mangkok.
Mangkok pa ata ito ng soup nila. Kaya tumingin ako sa kanya.
"What? Sabi ko kung hindi nila dadagdagan irereklamo ko sila at ipapasara 'tong tindahan nila."
"Ano ka ba bakit mo naman ginawa 'yon, nakakahiya." Saway ko sa kanya, kaya pala iba 'yong tingin sa kanya no'ng crew na nag-hatid ng take-out namin. May gano'ng eksena palang ginawa 'to kanina.
"Bakit? Costumers are always right." Giit pa niya at nagkibit-balikat.
"Hindi. Costumers has the right. Hindi naman lagi may karapatan sila 'no. Pano na 'yong management? Malulugi at agrabyado rin kung lahat nalang ng costumers ay right."
Umiling na lang siya paskil ang sinusupil na ngiti. "Oo na po," suko niya. "Kumain ka na, malilipasan ka na ng gutom hindi pwede 'yon. Kailangan lagi kayong busog ni junior."
Junior? Ngumiti na ako nang maluwang at tumango sa kanya.
"Pero paano kapag babae baby natin?" Tanong ko habang kumakain na nagpahinto sa kanya nang sandali saka ngumisi sakin
"Edi juniora."
Ang galing. Sinamaan ko lang siya nang tingin sa sagot niya. Tumawa siya dahil do'n.
Lalakeng-lalake 'yong tawa niya, hindi gaanong kalakasan. Swabe.
Pero may iilan paring tumingin sa pwesto namin. Nagbubulungan pa ang mga babae kapag napapatingin sa kanya, 'yong iba nagtutulakan pa habang nakatingin sa kanya.
Kita mo na ang epekto niya. Wala pang ginagawa yan.
NAGULAT pa ako na naubos namin yung eight pieces chicken sa bucket at large fries na in-order niya. May kasama pang spaghetti. Nakailang balot din kami ng kanin. Gano'n na ba ako katakaw o itong lalakeng kasama ko. Dahil mas marami siyang nakalamukos na balot ng kanin.
Pero sayang dapat pala sa bahay na lang kami kumain. Mahal pa naman ng kanin dito.
Dala-dala niya 'yong tinakeout namin at lumiko kami para pumunta sa palengke. Hindi na ganun kainit, alas-dos na pala ng hapon. Medyo nagtagal kami sa loob at nagpababa pa ng kinain.
Gano'n parin 'yong pwesto namin ako sa gilid siya malapit sa kalsada. Hawak pa rin niya ang payong at nakakapit ulit ako sa kanya.
"Ate magkano 'to?" Turo ko pa sa tsinelas na may havaiinas na tatak.
"200 madame," sagot nang tindera mula sa loob.
"150 na lang po." Tawad ko na kinalingon ni Brandon
"Bakit tatawaran mo pa? We have the money. 200 pesos lang 'yan." Bulong niya sa 'kin.
"Ano ka ba sayang din 'yon 'no."
Saka ko binalingan si ate na nakatitig na ngayon kay Brandon. Kulang na lang maghugis puso ang mga mata niya.
Lumingon ulit ako sa kasama ko. At bumulong. "Ikaw ang tumawad dali. Bilisan mo." Nagtataka pa siyang tumingin sakin
"Basta gawin mo na." Pilit ko.
Total mu'kang nahahalina si Aateng tindera kay Brandon, p'wes gagamitin ko 'to para makatawad. Napangisi ako.
"Sabihin mo 130 pesos na lang." Habol ko pa sa kanya.
Umiling siya at mukhang na-gets na niya cyong pinapagawa ko sa kanya. Kahit labag sa loob niya. Tumikhim muna siya.
"Sige na 130 nalang. Magpapa-check-up pa kami nitong misis ko sa Obgyne niya eh." Gulat akong napatingin sa kanya.
Wala na, sumimangot na si Ate. At sinamaan ako na niya ako nang tingin
"Alam mo miss may napansin ako. Ikaw ang mas maganda sa lahat ng tindera dito. Bakit gano'n? S'yempre mas maganda 'tong asawa ko." Bumuntong hininga nalang ako.
Hindi ko alam kung makakatawad ba kami sa pinagsasabi nitong lalakeng 'to.
"Sige na nga. Alin ba dyan?" sabay ipit pa ni ate ng buhok niya sa likod ng tenga.
Dalagang Pilipina, yeah?
Kinuha ni Brandon 'yong itim na imitating ng birkenstock na slide in na may dalawang strap. Kagaya no'ng suot ko ngayon.
"Eto magkano?"
"250 yan." Langya pinili pa yo'ng mas mahal.
"Sige 150 nalang." Pinal na sabi niya. Jusko siya na ang nag-presyo. Mas matindi pa 'to. Umiling na lang ako.
Siya na nagbukas ng tote bag ko, saka kinuha ang wallet niya. Pero 100 pesos lang 'yong pinakamababa niyang cash. Wala puro malulutong na 1000 peso bill 'yong na sa wallet niya eh.
Hindi naman sila tumatanggap ng credit. I shook my head. Perks of having a lot of money.
Kumuha ako ng singkwenta sa wallet ko at 'yon ang binigay ko sa kanya. Inabot naman niya kaagad sa babae at kinuha 'yong binili niya na nakalagay na sa plastic at agad na sinuot. 'Yong tsinelas naman ni Kuya Waldo 'yong pinalit niya sa plastic.
"Salamat Miss." kinilig naman bigla si ate sa simpleng pasasalamat ni Brandon.
Agad ko naman na hinila siya paalis. Baka matauhan bigla si Ate. Nagsuggest siyang mag-trycicle nalang kami pauwi at baka napapagod na taw ako sa kakalakad namin. Kaya um-oo na lang ako
Na sa labas ako ng isang grocery store. Hinihintay siyang kunin yung tinake-out namin na pagkain. Dahil pinaiwan namin 'yon bago pumuntang palengke dahil 'di kami makakatawad kung may dala-dala kaming gano'n karaming pagkain at galing pa sa isang fast food.
Habang naghihitay, may dumaan na nagtitinda ng nilagang mani na nakalagay sa isang malaking lalagyan at mainit pa ito. Natakam ako bigla kaya lumapit ako kay Kuya na nagtitinda tsaka bumili ng halagang kwarenta.
Na sa pwesto ko na si Brandon at hinihintay ako. Inangat ko yung plastic na may lamang mani para malaman niyang bumili ako saglit. Dahil busy ako sa pagbabalat kahit na medyo mainip pa.
Pinauna niya muna akong sumakay, saka siya sumunod.
"Kuya sa trese po, sa kanila Solidad." sabi ko sa driver.
Kilala si Nanay Sol sa trese kung saan 'yong barangay namin. Siguro dahil tumakbo na rin siyang kagawad noc'ng kabataan niya. Pero isang termino lang siya dahil sa problemang politika. Ano pang aasahan mo sa politika? Maganda pero may bahid ng dumi.
Nang makababa ako na ang nagbayad ng pamasahe namin at alam kong walang barya tong si Brandon.
"Salamat po."
Sumalubong naman sa 'min si Izzy at kinuha agad 'yong takeout na pagkain.
"Salamat kuya Brandon dabest ka talaga." Nakipag-fist bump pa 'to saka tumakbo papasok sa loob.
Na sa taas daw si Nanay nagpapahinga sabi ni Izzy na busy kakakain ng manok. Nilagay ko naman sa isang mangkok 'yong mani saka tinakpan. Sinabihan ko pa si Izzy na wag kainin 'yong mani na na sa mangkok dahil akin lang 'yon.
Umakyat na ako at naramdaman kong sumunod si Brandon hanggang makarating sa kwarto ko. Binuksan ko 'yong bintana malapit sa higaan mas gusto ko yung hangin dito sa amin lalo na sa hapon, mahangin.
Nag-inat ako saglit saka dumiretso higa. Namigat agad 'yong talukap ko. Inantok ako bigla.
Naramdaman ko yung paglapit ni Brandon sa pwesto ko at pagkagay ng kumot sa bandang tyan ko at hita. Binuksan niya rin ang electrifan sa malapit. Saka siya dumeretso sa pinto at narinig kong sinarado niya.
Humiga siya sa tabi ko at naramdaman kong inamoy pa niya yung batok ko saka kinuha 'yong bag ko sa lamesa. Ang pag-click ng camera ang narinig bago ako hinila ng antok.
"Cute. Sarap ikiss."
***
Itutuloy...