NAMILOG ang mga mata ni Arabella nang lumapat ang mga labi ni Jared sa kanya. Hindi niya napaghandaan iyon. Sa isang iglap ay sinakop nito ang mga labi niya. Napapikit siya. Mukhang lalo pa siyang nalalasing sa ginagawa nito. Noong una ay magaan lang ang paraan ng paghalik nito pero nang hinayaan niya ito ay unti-unting lumalim na iyon. His lips became more aggressive, urging her to kiss him back. Naramdaman niya ang isang kamay nito sa kanyang batok at marahan nitong hinapit iyon upang mas mapag-igi pa ang paghalik sa kanya. Hanapin man niya sa puso at isip niya, ay wala siyang maramdamang pagtutol sa ginagawa nito. She put her hands around Jared's neck and kissed him back. Their lips and tongue danced in a rhythm. "Jared..." nausal niya nang iwan ng lalaki ang kanyang mga labi. Ja

