BUONG araw na nasa rest house sila at nagku-kuwentuhan. Mas nakilala nila ang isa't isa habang magkatulong silang naglilinis ng bahay. Ikinuwento ni Arabella ang tungkol sa kabataan niya at ganoon din naman ang lalaki. Nalaman din niya ang dahilan kung bakit hindi nito kinain ang niluto niyang afritada. Ang sabi nito ay masarap naman daw ang pagkakaluto niya pero naalala raw nito si Sofia. Magaling din daw kasing magluto ng afritada ang namayapang asawa nito. Nginitian ni Arabella si Jared nang ipagbukas siya nito ng pinto ng kotse. Inilahad nito sa harap niya ang isang kamay para alalayan siya sa pagbaba. Hindi na siya nakapag-react nang hindi na nito bitawan ang kanyang kamay. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa lugar kung saan nagkakasiyahan ang mga taga-isla. Katulad ng ipinan

