Chapter Three

3969 Words
USER Prem P.O.V Binaba ko ang linya at mabilis uli na itinago ang cellphone. Napa buntong hininga nalang ako at kahit paano ay nabawasan ang bigat sa loob ng dibdib ko. Pinulot ko ang mga nabasag na salamin at inilagay sa basurahan, ibinalik ko na rin ang picture frame sa dati nitong pinag lalagyan. Nang maayos ko na ang lahat ay pumunta ako sa cr at nag hilamos para matanggal ang dugo at bubog sa sugat ko sa noo. Lumabas ako ng cr at hinanap ang intercom sa kwarto. “Hello? Paki sabi kay Manang Tere pakidalhan naman ako ng cold compress at first aid fito sa kwarto. Thank you” sabi ko sa intercom at hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay may kumatok na sa pintuan. “Maam si Tere ho ito. Papasok na ho ako” sabi ni Manang Tere kaya umupo na ako sa higaan at hinintay syang maka pasok. “Maam eto na po yung ipinapakuha nyo” sabi nya at nilapag ang cold compress at first aid. Napakamot nalang ako ng pisngi dahil sa trato nya sakin. “Manang huwag na po kayo gumamit ng maam hehe. Pwede naman pong Prem nalang.” Sabi ko at hilaw na ngumiti. “Hala nakakahiya naman pero sige kung yan ang gusto mo” sabi nya at ngumiti na nagpatunaw ng puso ko. I miss my mom too. But I know pag bumalik ako hindi na sila magiging ligtas. . . Bigla ko nalang si Manang Teresa at sya naman ay hindi nag atubiling yumapos rin. Nang mga oras na iyon ay pakiramdam ko ay kayakap ko ang nanay ko, pakiramdam ko may kasama akong lumalaban. “Wala ka pang isang araw dito sa bahay at alam kong nahihirpan ka na rin pero tandaan mo lagi na pwede mo akog maka usap. Hindi ko alam kung paano at bakit ka naka punta dito at kung anong dahilan mo pero sana sundin mo kung ano ang totoong nasa puso mo.” Marahang sabi nya habang hinahagkan ang buhok ko. I’m just homesick lang siguro. It was almost a year simula ng makasama ko at maka punta sa Pinas. Nang kumalma ako ay umayos na ako ng upo at tinignan ako nang Makita nya ang mga sugat ko sa mukha ay nanlalaki syang tumingin sakin. “Dios mio! Anong nangyari sayo at may sugat ka sa noo?! At bakit marami kang pasa?!” nanghiisteryanyang saad at hindi na magkanda ugaga kung ano ang una nyang kukunin kung iyong cold compress ba muna o yung alcohol at bulak para ma disinfect ang sugat ko. Napakamot nalang ako ulo at ngumiti “Ah hehe, manang nakipag sparing po kasi ako kanina kay Andres kaya nagka pasa ako tsaka yung sugat ko po kanina nauntog po ako sa salamin dahil naka pikit ako kaninang tumayo hindi ko alam na salamin na pala iyon hehe” sabi ko at parang hindi pa naniniwala sa huli kong sinabi. “Jusko talaga kayong mga bata kayo! Pinapakaba nyo naman ako” sabi nya at umiling iling tsaka nilagyan ng alcohol ang bulak at marahang idinampi sa sugat ko. “Maraming salamat po manang pakiramdam ko may nanay ako ngayon” sinserong sabi ko sa kanya at ngiti lang ang iginawad nya. Nang matapos sya ay isa isa nya pinahiran ng ointment ang mga natamo kong pasaat nagpasya syang tumayo. “Iiwan ko ang cold compress dito siguro naman diba kaya mo na?’ sabi nya at tumango ako. “Kung ganoon ay maiwan na kita at may gagawin pa ako sa kusina. Mamaya ay tatawagin nalang kita para sa hapunan.” pa huling bilin nya pa bago lumabas ng pinto. Nang mawala sya ay inumpisahan ko narin dampian ng cold compress ang mga pasa ko. Bigla ko tuloy naalala ang ganitong ginagawa ko noong sinasanay kami. ~Flashback~ “Left, right, left, right! Attention!” sigaw ng isang officer sa amin kaya agad kaming tumigil sa pagmamartsa at mabilis na humarap sa kanya. Hindi halata sa mga seryoso naming mukha ang pagod sa gitna ng sikat ng araw. Hindi man nakakatuyot at mahapdi sa balat ang araw dito sa America ay pawis parin kaimi dahil kanina pa kami nagmamartsa at tumatakbo sa malaking oval na kasing laki ng isang football field. “All of you get a 1 minute break!” sigaw ng isang officer at agad naman kaming tumalima sa sari sarili naming pwesto. Halos magkanda dapaan pa kami sa pag uunahan para lang hindi masayang ang oras ng break time namin. Pasado alas dies na nang ummaga nang bigyan kami ng breaktime simula kaninang alas cuatro ng medaling araw pa kami pinatakbo sa malaking oval. Nang makuha ko na ang baon ko sa bag ay walang pakundangan akong humabhab ng kanin at hindi na alintana ang postura ko. Halos magnda bulun bulunan pa ako dahil sa pagkain.Mabilis kong naubis ang kanin kong baon at inubos ang tubig ko na nasa bote ng coke na 1.5 liters ang laman. “ Ten seconds left!” sigaw ulit ng kanno naming officer kaya habang naglalakad na ako sa field ay inilibot ko ang panigin ko sa mga kasama ko. Mula sa iba’t ibang bansa ang ang mga kasama ko dito dahil lahat kami ay mga exchange students na napili sa mga piling bansa. At isa na ako sa masuwerteng napili. Halos naka balik na ang lahat at sakto naman ako sa oras, ang mga hindi natapos sa tamang oras ay hiniwalay sa amin at binigyan ng karampatang parusa. Ilan na naman kami natira sa hanay kaya ramdam mong kabado kami sa ipapagawa. “Attention! All of you is now begin to learn the hand to hand combat. You will have a partner to try it.” medyo slang na ingles naman ng isang officer na mukhang arabo. Kaya walang kaming nagawa kundi pumili ng ka partner. Lumapit ako sa isang Black-American na babae. “Can you be my partner?” tanong ko at agad naman nyang tinanggap at sumama sa akin. Naka pabilog kami ngayon habang naka upo at hinihintay ang iba pa naming kasama. “Are you an asian right?” tanong ng ka partner ko kaya napatingin ako sa kanya. “Yes” maikling sabi ko kaya napa tango tango sya. “Roxie, my name is Roxie and you are?” dagdag nya pa. “Prem, call me Prem” sagot ko at marahang ngumiti “Attention! Stand up! Fall in line! Stick to your partners!” sigaw ng isang officer namin kaya napa tingin kaming lahat sa kanya at mabilis na pumila. Ang mga nauna sa pila namin ay mga nauna ring sumubok ng combat kasama ang mga kapares nila. At hindi rin nagtagal ay sumalang narin kami.. Una munang itinuro sa amin ang mga dapat ituro at nang makuha na namin ay binigyan kami na ng pagkakataon para lumaban sa kapareho na namin. Nang ibigay na ang hudyat at ay mabilis kaming tumakbo sa isa’t isa at parehong nagpa ulan ng suntok. Nagkaroon sya ng tyempo at inatake nya ako ng suntok na tumama sa kanang pisngi ko. Naramdaman ko ang sakit noon at dahil wala kaming pang harang sa mukha ay ramdam mo talaga ang sakit. Umiiwas naman ako at nang maka bwelo ay bigla kong sinipa sya at tumama ito sa mukha nya. Napa upo naman sya dahil sa lakas ng impact ng sipa ko pero agad syang tumayo at napa iling iling nalang dahil hindi nya inaasahan ang atake ko. Nag handa uli sya at mabilis akong inatake, naiilagan ko ang mga suntok nya ngunit ang mga sipa nya naman ay bumabawi, kaya pinag bigyan ko sya at mataas na tumalon pa ikot ikot sa ere at malakas syang sinipa sa tiyan kaya natumba sya damuhan. Agad na pumagitna ang isang officer at nagsalita. “Enough! Well done! You two did great. You are exempted for the other activities for today. You can go now to the campsite. You to have a potential for ranking” sabi ng tagapag salita ng isang Chinese na officer at inalalayan kami ng ibang kasamahan namin pero bago kami nagka hiwalay ng landas ay nagkamayan kami at ngumiti sa isa’t isa. “Nice fight Prem. Hope to see you soon” tanging sabi nalang ni Roxie bago sya mawala sa paningin ko. Pagka rating ko sa base ay binigyan ako ng cold compress bago iwan. New memories with the strangers. . . And smiles that will never seen again. At hindi ko alam iyon na pala ang una at huli naming pagkikita matapos makalipas ang dalawang lingo bago kami salakayin ng mga hindi kilalang grupo . . . ~End of Flashback~ Mapait ang napangiti dahil sa naalala iyon ang unang bese na nagkaroon ako pasa at galos mula sa eskuwelahan na pinapasukan ko at kasabay non ay pagkakaroon din ng kaibigan. Mga ala alang kay sarap balikan at hanggang balik tanaw ka nalang. Mga kasama ipaghihiganti ko kayo, tayo. Hahanapin ko ang mga natiranng buhay na kasama natin at hindi ako titigil hagga’t hindi ko napapabagsak ang mga bumaboy sa atin. . . Napabuntong hininga nalang ako at nagpasyang itabi ang cold compress tsaka pabagsak na humiga sa kama. Hayyyy ang lambot! Sabi ko sa isip at mas lalo pang sumiksik sa unan at hindi na nakakapag taka na mabango rin ito. Bigla kong naalala ang kalagayan naming dalawa ni James. Nung una nagtataka ako kung bakit iba ang trato nya sakin hindi ko inaasahan na ipinakita nya ang malambot nyang side na pwede kong gamitin laban sa kanya. Na hindi ko manlang ginawa, inaamin ko sa sarili ko na mas gusto kong makilala nya ako bilang Prem basta hindi Wendy at talagang nakakapag taka talaga iyon para sakin. Baka inlove na ako sa kanya? Wait. . . What?! Inlove? Eh paano ako na inlove nang ganun ka bilis eh wala pa akong isang araw sa kanya! Uh! ang tanga ng naisip ko! Mas lalo ko nalang ibinaon sa unan ang mukha ko dahil sa naisip kong kabobohan. Kasi naniniwala ako sa sabi sabi nila na a woman took Eight days to fall inlove while a man just took Five seconds to know if she’s the one. Nabasa ko lang sya sa isang article pero hindi ko alam kung totoo ba basta pinaniniwalaan ko iyon. Ako ang pabebe girl! At wala kayong pake kung ano man ang pinaniniwalaan ko. Tse! Wag mo ako husgahan, kasi pareho lang din naman tayong single! Hmmp! “Miss Prem baba na raw po kayo para sa hapunan” biglang nagsalita ang speaker dito sa intercom kaya napa balik ako sa wisyo kaya tumayo ako at lumabas. Tara na’t humayo at magpaka busog! Pasipol sipol akong bumaba habang naka bantay na sa paanan ng hagdan ang mga maid. Hala! May pa grand walk with the maids pa? Kabisado ko naman na yung daan eh! Nang maka baba ako ay naka simangot akong sumunod sa kanila at nang makarating kami ay naabutan ko si Kiel na naka ngusong naghihintay sa hapag. Nagtataka na talga ako kung paano ito nagging isa a mga boss ng Delth Door eh mukhang isip bata naman yata ito. Baka nagkamali ang mga superior? Baka hindi ito ang totoong boss? Agad syang napa tingin sa akin at tinignan nya ang kabuoan ko at napako ang mata nya sa mga paa ko tsaka nagtaaas ng kilay. Déjà vu. . . “You don’t wear your heels?” napatingin naman ako sa mga paa ko at nakita kong naka suot ng sleep wear na tsinelas. “Oh anong problema kung hindi ko iyon suot? At tsaka I don’t like heels mas okay sakin ang sleep wear na toh” sbai ko at dumiretso sa upuan. “But dati naman you like that you also said that you preferred high heels than sleep wears wala sa sariling sabi nya habang naka tingin sa mga paa ko kaya napataas na ang kilay ko at bahagyang nainis. “May I remind you Mr. KIEL that I am PREM and not Wendy? You seems unforgettable hmm? Whole life ko ni hindi pa ako nakipag heels kaya paano ko nagging paborito yun?” sopistikada kong saad at mas diniinan ang pangalan nya kaya naman parang bumalik sya sa ulirat at nag iwas ng tingin. Sabi ko na nga ba. . . That Wendy again. Ano nya ba si Wendy? Sino ba kasi yun? Natahimik ang buong hapag at ang ingay lang nang mga plato na nilalapag sa mesa ang nagsisilbing ingay sa buong lugar. Napabuntong hininga ako at nagsalita. “Mamaya pirmahan na natin ang kontrata at nang maka tulog na ako. Hindi ko na rin binasa dahil kahit umapela ako ay pipirmahan ko pa rin” sabi ko at iniiba ang usapan. Alam ko na masakit din sa kanya ang mga sinabi ko, pero nasasaktan din ako dahil sa ginagawa nya. Hindi lang sya ang apektado. . . Marahan naman syang tumango at tahimik na kumain kaya sinimulan ko na rin at tahimik na sinimulan ang pagkain. Ntapos ang hapunan ng hindi kami nagsalita o nag usap man lang. Tumayo sya ng hapag at dire diretsong lumabas kaya sumunod ako sa kanya. Lumiko kami malapit sa gilid ng hagdan at doon ko nakita ang isang pangkaraniwang pinto at hindi mo aakalaing mayroong mas malaki pang laman sa loob non. Pagbukas nya ay tumambad ang isang napaka laking hall na parang pang kastilyo pero ang pinagkaibahan lang nito ay puro ito ng libro na mas lalong nagpa engrande sa buong lugar. Amoy mo rin ang karaniwang amoy ng mga libro na nagpapatunay na puno ng libro dito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang naglalakihang poste na sumusuporta sa silid, makikita mo rin ang mga mamahaling muwebles at pigurin na bagamat luma ay mas lalong nagpa tingkad sa theme ng study area. “Wow ang ganda naman dito!” sabi ko at patakbong sumunod sa kanya. Sa gitna ng naglalakihang bookshelf ay mayroong malaking sofa at mesa na aakalain mong grand sala sa likod naman non ay isang grand staircase na katulad ng nasa entrada paapsok ng bahay. Lumapit kami sa sofa at doon ko nakita ang seryosong naka upo na si Andres, naka suot ng salamin habang nag babasa. Nang maramdaman nya ang presensya namin ay agad syang napatingin sa gawi namin at umayos ang upo. “Good eve” seryosong sabi ni Kiel tsaka umupo kaya umupo na rin ako sa tabi nya. “So ano pang hinihintay natin let’s sign the contract ng maselyohan ko na. Right? Ms. Prem?” sabi nya at nababakas ang mapag larong tinig. “Oo, no choice naman ako” sabi ko at sinapo ang noo ko at napa igik ako ng mataamaan ko ang sugat ko. Oo nga pala! May sugat ako! Bobo natin sa part na yon! Andami ko nang ka attitudan na ginawa tapos nakalimutan kong may sugat ako . . . Napa tingin sya sa akin at nagtaas nang kilay. “Ngayon ko lang napansin yung sugat mo sa noo. Hindi naman ako nakipag untugan sayo kanina nung nag sparing tayo. Saan mo nakuha yan?” tanong nya na nagpakaba sakin. Napansin pa nga. . . ‘Ahh hehe nakipag bardugan ako- este nauntog ako sa salamin, nakapikit kasi ako habang naglalakd papuntang cr kasi dapat maliligo ako kaso hindi ko nakita na salamin na pala iyon. Hehe kaya nagkasugat ako.” Kabadong sabi ko at halos nagra rap na naman sa bilis kong magsalita. “P-pero nagamot naman na kanina! Ginamot ako kanina ni Nanay Tere” mabilis ko pang habol habang salitan kong titnignan silang dalawa kung nagdududa ba sila sa sinabi ko. Kumagat na kayo! Wag na kayong magduda! Nang tumango silang dalawa na parang tinanggap ang alibi ko ay napakagat ako ng pang ibabang labi para itago ang ngisi ko. Binigay na samin ang limang pages ng kontrata na kailangan pirmahan kaya busy kami sa pagpipirma ng may biglang tumawag sa telepono ni Andres. “Excuse me” sabi nya bago sinagot ang tawag at bahagyang lumayo. Bigla namang lumapit sa akin si Kiel at bumulong. “You little liar, I know how you got that f*cking wound baby” sabi nya gamit ang malambing na boses na nagpa kilabot sa buong sistema ko. “And I’m sorry, for pressuring yo u in your first day with me.” Mas pinalambot nya pa ang boses na nagpataas na dahilan ng pagtaas ng balahibo ko sa batok. Napakagat nalang ako ng labi dahil umiiral na naman ang pagiging may lahing kahoy. Marupok . . . Oo crush mo sya pero itayo mo naman self yung bandera ng mga Pilipina! Sabi ko nalang sa isip ko at halos mapatawag na nang santo sa bilis ng pintig ng puso ko. Bibigay na sana ako sa moment at magsasalita na sana nang may tumikhim kaya napa tigin kami sa harapan namin at nakita namin ang naka pamaywang na si Andres na akala mo nanay na naka huli ng anak. “Awat naman! May single dito oh! Parang kanina may lq pa kayo tapos ngayon naglalampungan na kayo? Hustisya bro” sabi nya at nagkukunwari pang parang nasasaktan. Tinulak ko naman si Kiel papalayo dahil sa hiya, biglang nag init ang pisngi dahil may naka kita sa amin ng ganoong posisyon. Napa asik naman si Kiel at nag aktong parang bata. Naka nguso at akala mo inagawan ng candy. Tampororot ang potek! Hindi na nahiya nahuli na nga kami gusto pa umisa?! Ano yon take two? Lumayo ako ngilang dipa sa kanya tsaka ipinagpatuloy ang pirma naka ngisi namang naka masid sa amin si Andres na akala mo may nahuling chismis. Anak siguro ito ni Marites kaya chismoso . . . “Tumigil ka nga kaka ngisi mo, mukha kang baliw. Naka singhot ka ba ng katol?” inis na saad sa kanya ni Kiel habang sya ay parang baliw na pasipol sipol. Hindi ako marupok. Prem wag ka mahulog sa kanya!!! “Wala, sige ituloy nyo lang ang pagpirma nyo. Wala akong issue dito” sabi nya pa at parang mas masamang balak na gagawin. Mukha syang cool sa suot nyang navy blue long sleeves at maong pants with pair of ankle boots na kung titignan mo ay para syang cow boy. Mas pinagmukha rin syang bad boy dahil Tattoo nyang tribal sa sa braso pababa sa kamay at nagpadagdag pa ang buhok nyang naka gel pataas. Bumuntong hininga nalang ako at tinigil na ang pag puna kay Andres . At baka mapansin na naman ako ni Kiel at kunganong katarantaduhan ang gawin sa akin. My innocent eyes! Wait innocent nga ba talaga? Oh my gosh!! Ang sama mo self! Umiling nalang ako at inilapag na ang kontrata sa center table tsaka tumayo at umikot ikot para tignan ang mga libro. “Sige maiwan ko una kayo! Mag iikot lang ako!”” sigaw ko nang makalayo at hinayaan silang mag usap doon. Pakiramdam ko kasi gustong maka usap ni Andres si Kiel nang hindi ako kasama. Kiel POV “Kontento ka na ba talaga sa desisyon mo? Pwede ko naman pang baguhin.” Sabi ni Andres nang maka layo si Prem sa amin tsaka umupo sa katapat kong upuan. “Tsaka napatunayan na hindi talaga sya si Wendy. Pwede na natin sya pakawalan” he added and I just clenched my jaw because of frustration. Actually at now I feel so lost and I don’t know how to react. My whole inside of me shattered when I saw her face. All memories I keep long time ago bring back again. She’s not Wendy but my heart beats loud like the same and it scares me. “Why can’t you let go her? Madadamay sya! Pag nagtagal masasaktan na rin sya ng sobra at ang pinaka worst na mangyari ay baka ma fall inlove sya sayo! At sa oras na ma inlove sya sayo hjndi mo yon masusuklian dahil your still stuck on your past!” pabulong na sigaw ni Andres sa akin at hinihinaan lang at baka marinig ni Prem. “Bud, I saw her eyes earlier and I know na kahit first day palang kahit I deny nya, may pagtingin na sya sayo, sana wag mo na palalain. And kanina I know she lied about her wound. Sa likod mga mata nya na may kaba nakatago doon ang sakit. She is pressured to you bud, kahit hindi ako doctor kitang kita ko yong mga bagay na yon.” Sabi nya at parang hinihintay ang magiging sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumunok at pakawalan ang sagot ko. “I can’t bud” mahinang sabi ko. “I can’t let go her. After seven years I never been complete like now. I feel whole again” sabi ko at napapikit sa sagot ko. Napa iling naman sya at parang dismayado sa naging sagot ko. I just want to be happy even if she’s different. Can I be selfish again? . . . “Sige alis na ako. Ipaadala ko nalang ito sa opisina mo” sabi ni Andres at nagpasyang umalis. Ramdam ko ang malamig nyang trato sa akin dahil na rin sa sagot ko sa kanya. Is he leaving too because im selfish? “Oh asan na si Andres?” agad akong nagising sa malalim na pag iisip at agad napa tingala sa harap ko. Agad ko namang nakita si Prem na pianapagpag ang kamay at inosenteng tumingin sakin. Napatawa nalang ako ng mahina at ginulo ang buhok ko tsaka tumayo at pilit ngiting tumingin sa kanya. “Don’t mind Andres, hes not your boss but I am, so let’s go so you can sleep” sabi ko at hinatak sya papalabas ng study. “W-woi sandali lang! T-teka saan naman ako matutulog eh higaan mo iyon?” tanong nya at parang nahihirapan na sya kaya tumigil ako at tumingin sa kanya. “We have many guestrooms here. I can sleep anywhere” sabi ko at tuamlikod uli at marahang nang naglakad pero hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay nya. “Sure ka? I mean I can sleep in guestroom, doon ka nalang matulog sa higaan mo.” Offer pero umiling nalang ako. “Nah, Im not a baby. I can take care of myself.” I said when we reach the grand staircase.i look at her while she’s busy bitting her lip. Good heavens! She’s innocently turning me on! You little devil! You’re such a tease! “Stop bitting your lips godammit!” sabi ko at nag iwas nang tingin. “H-ha?” takang tanong nya na walang ka alam alam sa mga nasa isip ko. “Wala sige akyat na may tatapusin lang ako at mamaya pa ako matutulog” sabi ko pero agad syang nagsalita.. What now? She’s literally stubborn. . . “Hep hep! Wait lang may tanong ako” hindi nagpapa pigil nyang sabi at naka taas pa ang kamay “Matanong ko lang, who is Wendy talaga?” sabi nya na nagpayanig ng ulo ko. “P-paano mo nalaman?” tanong ko pero nag taas lang sya ng balikat at inikot ikot ang dulo ng kanyang buhok tsaka ngumiti ng nakaka loko. “Bakit? Curious ka?” sabi nya at bahagyang lumapit sakin tsaka bumulong. “Sikretong malupit, ako lang ang nakaka alam” bulong nya at lumayo sa akin at simula nang umakyat sa hagdan. “Anyways save your answer nalang, malalaman ko rin yan kahit hindi mo sabihin. Okay? Sige goodnight! Don’t trust me ah! Remember I’m not your Wendy!” sigaw nya at nag flying kiss pa. And here I am leaving dumbfounded. Kaya pumunta na ako pabalik sa study. Who are you Prem? Are you a poison waiting to open?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD