Chapter Two

1373 Words
NOT HER “Everything can be deceiving, always remember that.” sabi ko at naglakad na sa kabilang ring. Sumenyas sya sakin na magbilang muna ng sampu bago magsimula kaya huminga ako ng malalim bago nagbilang rin ng sampu. Nang matapos kaming dalawa mag bilang ay walang sere seremonyang sumugod ako sa kanya at pina ulanan sya ng suntok at sipa ngunit naiilagan nya lang na mas lalong nag painis sakin. Nang mapagod akong mag paulan sa kanya ay tumigil ako ngunit ang mga sumunod ay hindi ko inasahang gagawin nya. Sya naman ngayon ang nag paulan ng suntok na mas mabilis sa mga pinakawalan ko kanina. Ang iba ay hindi ko naiilagan at minsan ay tumatama pa sa mukha ko. Dinilaan ko ang labi ko nang malasahan ko ang dugo sa kaliwang bahagi nito, halatang nagseseryoso din sya at parang hindi ko na makita ang Andres na maloko kanina. Hindi naman ako nag patalo at nilamangan ko ang mga binibigay kong suntok, sinipa ko sya at bumaliktad sa ere para maiwasan ang paparating nyang suntok. Umapak ako sa balikat nya at nagmamadaling sinipa sya sa mukha, natumba sya at hindi ko nahinintay na makabangon at agad syang pinakubabawan. Ni lock ko ang mga hita nya sa hita ko para hindi na sya maka palag. Pinaulanan ko sya nang suntok at dahil hindi sya makalaban ay isinasalag nya nalang ang braso nya para hindi matamaan ang mukha nya. Wow! Ayaw ipa bangas ang mukha! Siguro naka derma pa ito kaya ayaw! Nang masatisfy ako iniwan kong pasa sa kanya ay walang pakundangan akong tumayo at iniwan sya sa gitna ng ring para maka punta sa gilid kung saan naka antabay doon si Kiel na may dalang tuwalya at tubig at mukhang namumutla. “Oh anyare sayo? Bakit ka namumutla?” takang tanong ko habang nag pupunas ng mukha pagkatapos ay uminom ng tubig. “Wendy- I mean she is not like that. She is too sweet and too caring not like you. Maybe you two have the same face and that’s the ending” sabi nya at napa iwas ng mukha. Napatigil naman ako sa pag inom ng tubig at napa yukom ng kamao. “Alam mo ba kung bakit sa playroom tayo ngayon? Cause I want to prove you that I’m not Wendy! Because every time you compare me to her I want to punch you so f*cking bad” at tumalikod sa kanya. “Kaya don’t compare me and don’t say her name when I’m with you. That’s the least of respect you can do for me” pagtatapos ko bago mag dire diretso ng lakad papunta kay Andres na naka higa parin sa gitna ng ring hanggang ngayon. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko na agad naman nyang tinanggap. “Ano kaya pa ba?” natatawang tanong ko. “Kaya ko pa noh! Hindi ko lang inaasahan yung mga ginawa mo” sabi nya at napa iling nalang. “Hindi ko inaasahan na talagang hindi ka nagbibiro hehe.” Sunod nya pa kaya napatawa nalang ako. Aba! Akala nya pala biro lang yun? Kung bigwasan ko kaya toh ng makatulog to ng tuluyan. . . Sabay kaming bumaba sa ring at na pa buntong hininga nalang dahil parang tangang naka sunod samin si Kiel. “Andres ilang taon na kayo mag kakilala ni Kiel?” pagtatanong ko habang naglalakad at napa hawak naman sya sa baba nya. “Hmm? Hindi ko alam kung ilang taon na pero simula bata pa kami magkakasama na kami pai narin si Wendy” sabi nya kaya naatango ako. “Sigurado bang hindi talaga ikaw si Wendy? Kasi kamukhang kamukha mo talaga sya eh” biglang habol na sabi nya pa. Talagang mag kaibigan nga sila, punyeta. Nakaka gigil ang sarap gilitan sa leeg! Parehong baliw! Kung ako talaga si Wendy sana naalala ko silang dalawa . . Pero what if kung ako nga?. . . Aish! Napa iling nalang uli ako at nauna na mag lakad. Wala akong matinong sagot na makukuha sa kanila. Nang nasa sala na kami ay nag paalam na ako sa kanilang dalawa para pumanhik sa taas, hindi ko na rin kinalimutan ang lecheng kontrata at baka pumunta pa yon dito para ibigay lang yon at baka maulit uli yung nangyari sa kwarto . Nang maka pasok ako ng ng kwarto ay agad kong tinignan sa salamin ang mukha ko pero agad akong bumalik para kunin ang picture frame kung saan ang mukha ni Wendy. Marahan kong hinawakan ang mukha ko tsaka tinignan ang mukha ni Wendy. “No, hindi ko sya kamukha. I’m not her” mahinang sabi ko at napa higpit ang kapit ko sa frame. “THIS. IS. MINE!” sigaw ko at mahigpit na hinawakan ang mukha ko at parang baliw na inuntog ang ulo ko sa salamin hanggang sa mabasag Ito. I breakdown. . Again. . I can't think straightly. Napatigil ako sa pag untog sa sarili ko at hilam ang mga luha sa mata. Hindi ko inabala ang sarili kong gamutin at agad hinanap ang naka tago kong cellphone. Nanginginig kong denial ang number at nanghihinang humiga sa kama. Ilang minuto pa ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello?” sabl ng isang boses at halatang kagigising lang. Someone’s P.O.V “Hello?” sabi ko sa kabilang linya. “F*ck you! Kaya ba ako ang pinadala nyo dito dahil alam nyong kamukha ko sya!” malakas na sigaw ng nasa kabilang linya na ikinalayo ng tenga ko sa telepono. Nagpasya akong bumangon at umupo sa higaan bago sumagot. “Ay hindi ko ba nasabi sayo?” tanong ko at napakamot ng ulo. Rinig ko naman syang napa mura sa kabilang linya. “Putragis ka talaga Maforri! Hindi mo nililinaw! Baka gusto mong sabihin ko sa kuya mong si Andres na nagta trabaho ka sa kaaway niyang org.” pananakot nya kaya napa padyak ako ng paa at tumayo sa higaan. “Luh ate naman! Parang others!" “Hindi ko na nasabi sayo na mag kamukha kayo kasi busy ako kay kuya para hindi lang ako mahuli” paliwanag ko at narinig ko syang sumisinghot singhot. “Yuck ate rinig yung pagsinghot mo may tunog pa. . . Teka umiyak ka ba?” tanong ko. “Kasi Marforri kamukhang kaukha ko sya eh! Sabi rin ng kuya mo. Kaya hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Paano kung totoong ako si Wendy?” sabi nya at napa hikbi na. Agad naman akong napa takbo sa laptop ko at mabilis na hinanap ang backround nilang dalawa. At pinag kumpara. “W-wait binackround check ko kayo at marami akong nakitang pinag kaiba nyo. Si Wendy ay pure Filipino pero lumaki sa New York. Hindi sya naka punta sa Pilipinas buong buhay nya. Ipinanganak sya noong April 3, 1997 habang ikaw ay ipinanganak noong October 31, 1998 means ay mas matanda sya sayo ng 1 year. Wala ka namang listed major injuries na natamo noong bata ka pa na kina ilangan ng transplant or surgery. At higit sa lahat hindi ka naman nagkaroon ng Amnesia noong childhood mo.” Sabi ko at tumayo na sa laptop ko. “Ano ate naniniwala ka na ba? Your faces are just similar and that ends there. Okay? Kaya chill lang. Anyways the superiors are waiting for your report. How’s happening there?” pag iiba ko ng topic at napahilot nalang ng sintido. Eksaherada naman syang napa buntong hiniga at parang nahuhulaan na ang gagawin nya. “Oh my ghad! Wala pang 24 hours na nakikisama ako dito sa bahay and now they’re expecting me to report them? I’m not flash. Oh my ghadd! They’re giving me headaches! Tatanda ako ng maaga sa inyo Marforri!” mahabang rant nya kaya natampal ko nalang ang noo ko. Nag ra rap na naman sya. . “Ate I’m just asking! Wala naman silang sinabi na ngayon mag report. You’re the one who’s giving. me headaches! You’re exagregating!” maktol kong sabi at humiga uli sa higaan. “Yeah yeah, I know that. For know pangalan palang ni Wendy ang naririnig ko. No more no less. Bye!” sabi nya at biglang pinatay ang linya. Bastos eh? . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD