Chapter Ten

2310 Words
A HEIR Maghapon akong nagkulong sa kwarto matapos ang nangyari. Nainsulto ako ng matindi kanina. Di baleng mamatay ako dito sa boredom kesa makipag plastikan sa mga tao sa labas. Minsan nga napapa isip nalang ako kung pinaglihi ba ako ng magulang ko sa sama ng loob at halos lahat may sama ng loob sa akin. "Akala ko pag hindi ako bumaba, pupunta rito si Kiel. Nag assume lang pala ako nyeta" bulong ko at nagdadabog na naglakad papuntang intercom para magpaluto ng pagkain kay Manang Tere. "Hi hello uh, paluto naman ako ng chicken wings. Padala nalang sa kwarto ni Kiel. Salamat." saad ko sa intercom bago biglang tumunog ang telepono ko na nakatago. Paano ko nalaman? Well may chip sa dulo ng daliri ko na naka konekta sa special cellphone ko. Konti nalang magiging robot na ako sa dami ng chip sa katawan ko. "Hello Agent Cat speaking-" "Cat tinamaan ng ligaw na bala ang magulang mo." nagmamadaling sabi ni Astrid kasabay ng pagtigil ng mundo ko. "A-ano? Pakiulit nga mali ata yung pagkakarinig ko" nanginginig na sabi ko at pabagsak akong naupo sa lapag dahil sa panghihina. No. . . This can't be happen.. "Nasa ICU ang papa mo dahil tinamaan sya malapit sa puso kaya critical sya. Yung mama mo nasa private room na nagpapahinga dahil daplis lang." sabi nya at inignora ang nauna kong tanong. "Since umuwi naman na ako ng Pilipinas ako na ang aasikaso sa pamilya mo. Wag ka mag alala ako na bahala, ituloy mo lang ang misyon mo. I'll update you later." she said leaving me dumbfounded. Sa buong pag uusap namin ay wala akong naisagot dahil sa gulat. Nagmamalabis na tumulo ang luha ko sa aking pisngi habang nakatingin sa kawalan. Bakit sila pa? Mama. . . Papa. . . Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim tsaka inayos ang sarili. Hindi ito ang oras para maging mahina ako. Nasa gitna ako ng misyon ngayon pa ba ako titigil? Maya maya pa ay kumatok ng ang isang katulong at ibinigay nya sa akin ang chicken wings na limang piraso, kanin at tubig. "Thank you" sabi ko bago sinarado ang pinto at umupo sa lapag tsaka tahimik na kumain. Sabay sabay lahat ang problema sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang bumukas muli ang pinto at sa pag aakala kong si Kiel ay agad akong tumayo at handa na sana syang salubungin. Ng nakita ko nalang ang isang babae na galit na galit na lumapit sa akin tsaka sinampal ako. At dahil sa gulat ay wala akong nagawa tsaka naramdaman ko muli ang paglapat ng kamay nya sa akin sa pangalawang pagkakataon. "You slut! Who are you and why are you in my Kiel house?!" nanghihisterya nyang saad at parang lilipad na ang mga pilik mata nyang may napaka kapal na false lashes. T*ngina neto ahh? My Kiel pa tawag! Kinalma ko ang sarili ko at tamad na tumingin sa kanya. Tsaka ko palang nakita si Kiel na parang hinihingal at may takot sa mukha na nasa likod ng kupal na kaharap ko. "Prem baby. Let me explain." sabi ni Kiel pero hindi ko sya tinapunan ng tingin. Baby your face! "Just a friend. But we had s*x so fvck off" maikli at sarcastic kong sagot at babalik sana sa pagkain ng hawakan nya ang pulso ko at sasampalin pa sana muli ako ng salagin ko iyon at mabigat ang kamay na sinampal sya. "Don't. Touch. Me" madiin kong sabi at malakas syang tinulak kaya nawalan sya ng balanse at mapapa upo na sana buti nalang nasalo sya ni Kiel. Sana ol may back up! Mamaya ka lang sa akin. "You!" Tanging sigaw nya ng makatayo at muling sumugod sa akin ng tadyakan ko sya at nawalan sya ng balanse kaya napahiga sya at namimilipit sa sakit. "Prem!/ Stop!" Sigaw pareho ni Kiel at Andres na kakapasok lang at agad dinaluhan ang babae. Aww so sad. Insert my sarcasm please. "Ouch! Huhu Kiel help me!" maarteng saad ng babae at napaikot muli ang mata ko. "Anong ginawa mo?" sabi ni Andres sa akin but i shrugged off. "Tatanong pa nakita naman na." bulong ko at tumaray tsaka kinuha ang pagkain ko at lumabas ng kwarto. Bwiset! Kumakain ako tapos may bubungad na ganon?! Pa victim amp! Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na nasa labas naka abang ang mga kaibigan ni Kiel at masamang nakatingin sa akin habang si C at Cain ay nasa likod nakatungo. Napabuntong hininga ako tsaka isa isa silang nilagpasan at bumaba papuntang kusina. Galit sila sa akin kasi nasaktan ko yung impaktitang yun pero natanong ba nila kung ano nararamdaman ko? Sabagay bakit nila tatanungin eh hindi naman nila ako kilala. "M-ma'am akin na ho yan." nauutal na sabi sa akin ng isang katulong pero umiling lang ako at hinugasan ng tahimik ang plato. Wala naman syang magawa at parang prblemado pang nakatingin sa akin. F*ck! This mission! Sabay sabay ang problema ko! Tangina pero kung alalayan nila yung impokritang yun akala mo binalian ko ng buto. MATAPOS akong maghugas ay nag ikot ikot ako hangang sa nagpasya nalang ako na magpalipas muna ng oras sa playroom. It's been a week since i visit this place. Na miss ko ang amoy goma at raw place nitong lugar. Napalitan na rin ang salamin na sinira ko noong nakaraan. Agad akong kumuha sa istante ng swiss knife at ibinato ito sa dart board, hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng lima pang swiss knife at muli kong ibinato sa board hangang sa hindi ko natantsa at huling swiss knife na ibinato ko kaya nawarak sa gitna ang dart board. I am furious as f*ck! Nilapitan ko isa isa ang mga dart board na nagkanda pira-piraso nang maramdaman kong hindi ako nag iisa sa kwartong ito. Naging alerto ako at mahigpit na hinawakan ang swiss knife. Nang maramdaman kong papalapit na sya ay sunod sunod kong ibinato ang swiss knife na hawak ko at aatakihin ko na sana ng makita ko na si Cain lang pala. Mabilis nyang iniwasan ang mga swiss knife pero nadaplisan parin sya ng konti sa pisngi. "Ouch! Calm down okay!" sabi nya pa at hinawakan ang nagdudugo nyang hiwa sa pisngi. "Sorry nakasanayan ko lang. Akala ko kung sino" tahimik kong sabi at ibinasura na ang pira pirasong dart board. "Tahimik na ako naglakad pero naramdaman mo parin yun? Is that an army thingy?" pailing iling na saad nya at pumunta sa cabinet para gamutin ang hiwa nya. "But your fast huh? For an army trainee." ngumisi nalang ako sa sinabi nya at hindi sya sinagot. "F*ck! It hurts! My handsome face!" daing nya na akala mo napaka laking sugat iyon. "Cain, sino yung babaeng sumampal sa akin kanina?" bigla kong tanong at umupo sa dulo ng inuupuan nya. Habang sya naman ay napatigil sa paggamot ng sugat nya. "I thought you'd never ask" he smirk but I just flicked my toungue in annoyance. "She's Sadie Robertson. One of Primon flings but she's the latest one. Last month she announced that she was pregnant in Primon's child but i don't think so." mataman syang nakatingin sa akin habang nagsisindi ng sigarilyo. He's reading my expression. But i don't give him a satisfaction for that. "Pangalan palang halatang nakakarindi na, tsaka ganun ba yung buntis? Napaka taas ng heels with matching revealing outfit at napaka habang pilik mata? WTF?" "Exactly!" Sang ayon at pumalakpak pa na parang first time kong makasagot ng tama. Inikiutan ko sya ng mata at inagaw ang isang kaha ng sigarilyo nya at kumuha ng isa tsaka sinindihan. "Oh! You smoke?" "Occasionally." I replied. "You really not Wendy. She is more gentler than you. Based on my observation, you like rough activities." I tsk in his marking. G*go eh? Pinagkumpara ba naman ako. "Sino bang nagsabi na ako si Wendy? I am never been and I will never be" mariin na sambit ko sabay humithit ng sigarilyo. Naging tahimik ang kapaligaran sa amin at nagpapakiramdaman ang bawat isa. "Anong plano mo? Prince Primon is always in Sadie's side because she said, she's having a child of the next generation of heir. In Cullen's Palace." Pambasag nya ng katahimikan. Pero naka kunot noo ko syang tinignan. "Bakit ako magpa plano? Kung in the first place, sampid ako sa palasyong ito? I exceed my limits as his slave, I almost forgot that if I'm not resemblance of his wife, matagal na akong maid." "Yes I love him pero anong magagawa ko? I couldn't replace Wendy in his heart. And now that Sadie is here given that she might carry his heir, wala na akong pag asa." Piyok kong sabi dahil pinipigilan kong tumulo ang luha ko at may malaking bukol na nakaharang sa lalamunan ko. "Shhhh that's okay. Pwede ka naman muna makitira sa bahay ko." Biglang sabi nya kaya napatingin ako. "Talaga?" "Yes but give me one week to ready my house. Just pack you things and say it to Primon." sabay tayo at ibinigay sa akin ang isang baril. "You're an army right? Show me your skills." saad nya at direktang tumingin sa akin. There! I caught him. Nagdududa sya sa akin! I know may gusto syang hulihin sa akin kaya ganito sya. "ALMOST an army. I didn't graduate you know." sabi ko bago tinanggap ang baril na binigay nya sa akin at umakto na bago sa akin ang baril na iyon. Hah! I'm not fool for old tactics dear. . . "Ano bang gagawin natin?" Tinuro nya ang mga manequin sa gawi ko. "Shoot those manequin right there. Since there are two sets, hati tayo. Paramihan ng mapapatumba." sabi nya at palihim na ngumisi ngunit nakita ko iyon. He knows some information about me but he wants to see it on his own eyes. I know you're a traitor Cain. "Ako mauuna." Tahimik kong sabi tsaka nagpatiuna na at nagsimulang kasahin ang mga baril. Kunyari kong inasinta ang mga manequin at basta nalang pinatamaan. Inulit ko uli iyon at nakita kong tumama ito sa pisngi ng manequin pero hindi tumumba habang gumagalaw ang mga ito at inulit ko muli hanggang sa naubusan na ako ng bala kaya ibinato ko nalang ang baril sa manequin at doon lang may natumba ako. Nang matapos ay agad na may tumapik sa balikat ko kaya tumingin ako sa kanya. "You suck at shooting. Pero kanina nadaplisan mo pa ako sa pisngi? Na engot kana ba?" sabi nya at sumingkit ang mata. Lihim nalang ako napangisi dahil ngayon ay gulong gulo na sya. "Kanina tsamba lang yun. Nagulat rin ako dahil nadaplisan ka pa." Right! Malito ka dear. I don't want an unwanted baggage in my mission kaya dapat maaga palang matigil kana. . . "Oh? How pity. Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi ng Pilipinas? Caesar said you're an exchange student? Siguradong hinahanap kana ng embassy nyo, pumutok palang ang balita na may massacare sa military trainees in L.A" Matagal akong hindi nakasagot dahil sa sinabi nya. "Ang. . . alam ng mga magulang ko ay patay na ako. Hindi nila mahanap ang katawan ko kaya dineclare na ng pulisya na patay na ako dahil isang taon na ang nakakaraan simula nangyari iyon." "Hindi rin ako pwedeng magpakita sa kanila dahil baka gamitin iyon ng sindikatong bumaboy sa amin para mapasunod ako. Ayokong pati pa sila madamay." tahimik kong sabi tsaka tinanggap ang towel na inabot nya sa akin. Which is half of it is true. Kaya pinigilan kong umuwi ng Pilipinas kahit critical na si papa dahil ayoko na ako pa ang dahilan kung bakit mawawala sila sa akin. "Well, I know you know na malaking sindikato iyon. Paano ka nakapag tago?" Oh boy! Here comes the interview. Alam ko na kung saan na ito patungo. Pero bago pa ako maka sagot sa kanya ay biglang bumukas ang pinto at madilim ang mata na sinalubong ako ng isang hindi kilalang lalaki. Mabilis akong umatras nang malaman kong sa akin sya patungo. "Privos, stop it!" mabilis na pigil ni Cain sa kanya pero parang bato syang papalapit sa akin na parang walang humaharang sa kanya. "W-what are you doing?" nauutal kong sambit at mas lalo lang tumalim ang mata nya. Napaigtad ako ng lumapat ang likod ko sa malamig na pader habang sya ay papalapit sa aki. At sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko nalang ang sarili kong naka angat habang sinasakal ako ng lalaki. "How dare you hurt the Royal Consort of the Cullen's Family! She have the next generation of royal in the palace, you disrespectful!" sigaw nya sa mukha ko habang madiin ang pagkakahawak sa leeg ko. "You deserve to die! Lowly b*tch!" saad nya at pinagduldulan pa ako sa pader. Halos maluha ako dahil kahit isa ay wala akong mahigop na hangin. Agad na dumating ang mga kaibigan ni Kiel at ganoon din sya pero ni isa ay walang sumubok na awatin kundi si Cain lang. Hinanap ko ang mata ni Kiel at nakita ko ang takot na dumaan doon pero hindi iyon sapat para awatin ang lalaking unti unting pumapatay sa akin. Unti unting bumabagal ang t***k ng puso ko kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Bumibigat din ang talukap ng akin mga mata. Am I deserving to this kind of treatment? Mama? Papa? Is it the end that deserve? Unti unting bumalik ang alaala ko nang mga panahong isa isa ring pjnapatay ang mga kasamahan ko. Kusang tumulo ang mga luha ko nang malala ko iyon at sa huling pagkakataon ay nilibot ko silang lahat. Biglang bumagal ang paligid. Ang sinasabi ng kaharap ko, si Cain na pilit inaalis ang pagkakasakal sa akin, at ang mga kaibigan ni Kiel at si Kiel na naglalakad ng patalikod sa akin. . . Papalabas ng kwarto, papalayo sa akin . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD