Chapter 30

1357 Words

Lulan sila ng sasakyan ni Light na sa pakiwari niya ay mukhang bagong bili nito. Nakikiramdam lang siya at hindi nagsasalita habang ito naman ay nanatiling tahimik lang din. Nakaramdam naman siya ng pagka-alinsangan. Hindi niya alam pero nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang naiinitan kahit nakatodo naman ang aircon. Umangat ang kaniyang kamay para abutin ang pihitan ng aircon sa sasakyan. Wala siyang pakialam kahit hindi pa siya nagpaalam kay Light dahil ayaw din naman niya itong kausapin. Naiinis siya sa mukha nito. Pero hinahanap-hanap din naman niya kapag hindi ito nakikita. Minsan talaga naguguluhan na rin siya sa sarili niya eh. Lumingon naman ang lalaki sa kaniya at ito na ang bumasag ng katahimikan nila, "you feel hot, Muffin?" malambing na tanong nito. Napairap siya dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD