Pabalik na sya ng nurse station nang maabutan nya ang mga kapwa nya nurse na tila nagkakagulo. Para itong mga nakukuryente ng kung ano na tila mga kumikisay kisay pa habang nagbubulungan. Nilapitan nya si Loisa at kinalabit "Loi, ano meron? Bakit para kayong mga bulateng naasinan na kumikisay kisay?" Tumawa ito at tila bigla nanaman kinilig. "May bagong doktor na pogi ang nasa department natin ngayon. Dati kasi nagpupunta lang yun dito para tumulong sa mga mahihirap na operasyon pero ngayon mag-stay sya dito." bakas ang excitement sa mukha nito habang sya ay nanatili pa din na nakakunot noo. "Sinong Doktor yan?" Pabirong umirap si Loi sa kanya. Itsura kasi nya ay tila wala talagang alam sa nangyayari sa paligid. Nagsimula syang magbulatlat ng doctor's order slip. "Si Dr. Jon Vidal.

