“NAGPAALAM ka ba kay tatay?” tanong ko kay Ram matapos ikarga ang mga gamit namin sa likod ng jeep wrangler. Ito ang gagamitin namin papuntang Metro Manila. Kinondisyon ko na ito noong isang gabi pa dahil alam ko na ito lang naman ang maaari naming gamitin. Ang sasakyan lang naman kasi na ito ang maayos at pwedeng malayuan sa biyahe. “Ipinagpaalam na kita.” Hindi tumitinging wika nito. Abala ito sa pag-start ng makina. Mga ilang araw din kasi kaming mananatili sa Metro at ito ang unang pagkakataon na luluwas ako. Kinakabahan tuloy ako na may halong excitement. Para kasi kaming magtatanan. “Anong ipinaalam mo?” Kuryuso ako kung paano niya napapayag si tatay. Ang sabi ko kasi sa kanya, ako na ang magpapaalam pero nagpumilit ito na siya na lamang ang gumawa niyon dahil siya ang lalaki. Bi

