Kasing dami ng alitaptap sa kagubatan ang naglalaro sa loob ng sikmura ko. Hindi ako sanay sa nararamdaman kong ito. Hindi ko alam paano magrereact. Basta ang alam ko lang, masaya ako. Masayang-masaya. Dahan-dahang humiwalay ang labi ni Ram sa labi ko. Saglit pa akong napatitig sa labi nito na parang humihiling at nanabik kahit pa hindi ko magawang tugunin dahil sa ganitong uri, makabago para sa akin. “Gusto kita, Sanya. . .” Malumanay na lumabas iyon sa kanyang bibig. Nanghina kaagad ang tuhod ko at napahawak sa kanang braso niya. Mabilis niya akong inalalayan. Ayan na naman ang kuryenteng dumaan sa sistema ko. Dati, nagtatanong lang ako sa sarili ko kung ano ang pakiramdam ng magustuhan ka rin ng taong gusto mo. Pakiramdam na mahalin ka rin ng taong mahal mo. That was my question b

