“UHM. . .Ram, gusto mo ba'ng tulungan kitang hubarin 'yan?” tanong ko kay Ram na ngayon ay asawa ko na. Unang gabi namin bilang bagong kasal at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Nasa loob kami ng kwarto ko dahil ito na ngayon ang magiging opisyal naming kwarto dito sa bahay. Gusto sana kaming bigyan ng regalo ni Renai papunta sa isang sikat na hotel beach pero tinanggihan iyon Ram. Nakatalikod si Ram sa akin habang hinuhubad ang suot niyang barong. Nakaupo lang ako sa kama at hindi mapakali sa katahimikan. Dinig na dinig ko kung gaanong nagwawala ang loob ng sistema ko. Pati t***k nito umaabot sa pandinig ko. Suot ko pa rin ang bestidang pangkasal na ginamit namin kanina dahil balak ko'ng sundin ang pinapayo sa akin ni Fina. “Hindi na, Mahal. Magbabanyo lang ako para mak

