KABANATA 48

1226 Words

NAMUMUTAKTAK sa mga bulaklak ang bakuran ng bahay namin. Napapalibutan nang ibat-ibang desenyo na nakasabit na animo'y bandiritas sa fiesta. Ang mga magulang ni Fina ang tumutulong sa pagdidisenyo. Sa kabilang dako naman ay si Atoy ang namumuno para sa pagaasikaso ng iniihaw na letson. Umaabot tuloy ang usok sa pagyayarian ng kasal namin ni Ram. Nangingibabaw ang ingay at katuwaan ng mga tao sa labas habang nag-aayos ng mga handa pati na rin ng mga upuan. Nagkakagulo ang lahat sa kasabikan at abalang-abala na rin sa pag-aayos ng kung ano-ano pa'ng kailangan. Namamawis ang kamay ko na nanginginig habang pinanonood ang lahat. “Hoy, babae, 'wag ka nang sumilip diyan sa bintana dahil lalo ka lang kakabahan. Halika dito, i-re-retouch na lang natin 'yan mukha mo para naman kapag nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD