“SANDALI, ikaw na ba si Sanya? Ang anak ko, saan mo dinala? Bakit ibang tao yata ang nasa harapan ko.” Pagbibiro sa akin ni tatay pagpasok pa lamang ng bahay. Hindi ko kasi alam kung saan ito nanggaling. Nagising lamang ako mula sa pagkakatulog. Maga pa rin ang alak-alakan ko pero hindi na masiyado. Siguro ay nadala sa pagbabad ko ng yelo. “Grabe ka naman, tay. Ako pa rin 'to, gumanda nga lang ng ilang pulgada,” nakangiting saad ko. Mas nadagdagan tuloy ang kumpiyansa ko para sa sarili. Tumaas ang mga nakatago ko'ng bilib sa sarili. Kung dati ay halos itago ko pa ang sarili ko dahil sa mga damit ko'ng pang manang pero ngayon ay mukhang matatapos na ang mga sandaling iyon. Kung ang tatay ko nga mismo ay nagandahan sa akin, si Ram pa kaya? “Anak, ngayon lang kita nakitang nag-ayos ng ga

