“SANYA, bakit mugto yata 'yang mata mo?” Umalis na nga ako ng bahay para makaiwas sa eksplenasyon pero nagawa pa akong mapansin ni Fina. Bakit ba kasi pumasok ang babaeng 'to ngayon? Namumugto ang mata ko dahil sa mahabang pag-iyak. Palagi na lang akong umiiyak nitong mga nakaraang araw. Masiyado akong mahina sa paghawak ng sariling emosyon. “W-Wala. . . Kinagat lang ng ipis itong mata ko. Ikaw, bakit ka narito sa tindahan?” Inabala ko kunwari ang sarili sa pag-aayos ng tinda. “Eh, kasi naiinis ako. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Dawson sa bahay nila. Kaya naman kaysa tumunganga kakaabang sa bahay nila, naisip ko'ng magtinda na lang dito, nagkapera pa ako. Tanginang mga lalaki 'yan, gustong gusto nang hinahabol. Bakit? Sila lang ba ang may t**i dito sa probinsya?” nakangusong

