“PILITIN mo na Sanya, para naman hindi mainip si Ram sa bahay niyo. Mag-e-enjoy rin naman kayo sa pagligo natin.” Umaga ng biyernes at katatapos lamang ng ika-tatlong subject namin. Tumambay ako sa kiosk ng university para sana makapag-aral nang tahihimik. Ang problema ay biglang dumating si Fina para kulitin at istorbohin ako ngayon. Gusto niyang isama si Ram sa pagligo nila ng mga barkada niya, na barkada ko na rin naman dahil magkakasabay lang naman kaming lumaki dito sa probinsya. Mas naging malapit nga lang sila kay Fina dahil madalas akong hindi sumama sa mga pamamasyal nila sa kung saan saan. Mas inuuna ko kasi ang magbanat ng buto at pag-aaral kaysa mag lamyerda. At ngayon nga, nakikiusap na sumama kami sa pagligo sa batis ngayong darating na weekend. “Ang kulit mo, sinabi na

