KAPITULO 14

1179 Words

“TAY, pumasok na po kayo. Lasing na lasing ka na,” pamimilit ko kay tatay. Madaling araw na kasi ay hindi pa tapos ang tatlo uminom. Si Atoy nakatulog na sa ibabaw ng mesa. Si tatay naman ay panay ang kwento ng love story nila ni nanay kay Ram. At itong si Ram naman ay parang hindi naman masiyado tinamaan ng kalasingan. Mapungay lang ang mga mata niya pero mukhang hindi naman nalasing kahit ilang bote na ang nainom niya. Hawak niya ang isang bote. Nakasandal siya sa upuan habang matamtamang pinanonood ang pag-pilit ko kay tatay na pumasok na ng bahay. “Mamaya na anak, nag-e-enjoy pa akong i-kwento kay Ram kung paano kami nagkakilala ng nanay mo. Sobrang ganda ng nanay mo at hanggang ngayon ay hindi na ako makakahanap pa ng katulad niya. Maging hanggang ngayon e, mas pinili ko ang maging

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD