“OH, anak, tapos na kayong mag-usap?” tanong ng mama ni Dawson. Kasabay ko kasi itong kumakain ngayon dito sa dining table. At tunay nga na masasarap ang niluto nitong mga pagkain. Lalo na iyong minatamis na hipon, parang gusto ko ngang magbaon pauwi. Kababalik lamang ni Fina at Dawson mula sa kung saan. Hinuhuli ko ang tingin ni Dawson pero hindi ito makatingin sa akin ng deretso. Nanginginig ang kamay nito habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Ako na anak. Iwas iwasan mo kasi ang maghugas ng kamay kapag pagod. Ayan tuloy, nanginginig," ani tita bago pinagsilbihan ang anak ng tubig. Si Fina naman ay ngiting ngiti na umupo sa silyang katabi ko. Napansin ko ang pagkalat ng lipstick nito sa labi. Walang sumagot kay tita sa naunang tanong nito kaya ako naman ang nagtanong kay Fina. “Fi

