“VERY good, Sanya Midel. You did a great job. Pinamangha mo ako. After kitang pagbigyan ay pinatunayan mo sa akin na deserved ka sa second chance. You even exceed to my expectation. Sana lang ay maging consistent ka at wag pagigiba sa distractions." Lumulobo ang puso ko sa papuri ni Ms. Mathay. Isang buwan pagkatapos naming magusap ay nakabawi at naperfect ko ang midterm exam ko sa subject niya. Ngayon ay wala na akong problema. Ang kailangan na lang naming ihanda ay ang orientation at recommendation letter na ipapasa namin sa kompanyang tatanggap sa amin bilang OJT. Naka-set na ang schedule para sa pag-alis ng mga graduating student. Plano na talaga na after midterm exam ay magpupuntahan na ang lahat sa Manila para subukan ang panibagong yugto ng buhay bilang estudyante. “Maraming s

