“MABUTI naman at kabisado mo pa ang bahay ko Fina." Masaya kaming sinalubong ng tiyahinni Fina. Nakakahawa ang pagka-bibo nito kaya kahit pagod nawala iyon dahil sa mainit niyang pagtanggap sa akin. Mataba ito at may biloy sa dalawang pisngi. May suot na bestidang bulaklakin tulad ng tipikal na may bahay. “Siyempre naman tiyang. Ikaw kaya ang paborito ko'ng tita kaya kinabisado ko talaga kung paano ang pumunta rito," ani Fina na sumalampak ng upo sa sofa. Para itong reyna na humiga. “Umupo ka Sanya. Bahay mo na rin ito ngayon. Feel at home." “Ay siyang tunay, hija. Umupo ka at huwag mahiya. Ituring mo na rin akong kaibigan o dabarkads. Huwag lang nanay dahil nakakatanda," sabad ng tiyahin ni Fina na nakilala ko bilang Tiya Eudora. “Maramimg salamat po." Umupo ako tulad ng sabi nil

