HABANG nakaupo at pinanonood ang paglalakad ni Zia sa gitna ng simbahan ay nakangiti lang ako. Kahit pa maldita ito ay hindi ko rin talaga maiwasang maging masaya para sa kanya. Oo, inagaw niya ang unang lalaking minahal ko pero wala na akong magagawa pa roon. May rason ang Panginoon para mangyari na sila ang maging isa sa simbahang ito. Kasabay nang paglalakad nito ay ang pagtugtog ng magandang musika mula sa mga choire. Kaysarap niyon sa pandinig. Bagay na bagay sa ikakasal. Punong puno nang emosyon ang kanta. At malamang ay tungkol sa pag-ibig ang kinakanta nila kahit pa sa wikang ingles iyon ikinukumpas. Sunod ay lumipad naman ang mata ko kay Ram sa may parte kung saan siya kumukuha ng litrato ng bride. Tumataas talaga ang kilay ko sa tuwing lumalapit si Lydia kay Ram. Ano ba a

