NAKAGAT ko ang labi sa tindi nang pagpipigil ko na huwag mangiti. Ang sarap kasi sa tainga ng pagkakasabi ni Ram na gusto niya ako sa tabi niya. Mga simpleng salita na sadyang kumumpleto ng araw ko kahit gaano pa naging pangit kanina. At dahil may bakanteng upuan malapit kay Ram ay doon na lang ako umupo at tahimik na nanood sa ginagawa nito. Panay din ang dasal ko na sana ay huwag na bumalik si Lydia para ako na lang ang aaligid kay Ram ngunit sadyang bingi ang langit ngayon dahil ayan na at tanaw tanaw ko na ang pigura ng babae pabalik sa direksyon namin. “Kumusta? Naturuan ka na ba ni Ram?” tanong sa akin ni Lydia. Palakaibigan ang ngiti nito pero kahit kailan ay hindi ako doon magiging kumportable. Nangangati muna ang ilong ko dahil sa amoy nitong napakatapang. Siguro ay nalig

