MADILIM na ang gabi nang bigla akong maalimpungatan at magising. Nasa isang malaking tent kaming lahat natutulog. Magkakatabi ang boys at kami namang girls ay ganoon rin. Napagigitnaan lamang ng unan na nakahilera. Ito ang magsisilbing harang. Bumangon ako at isa-isang tiningnan ang lahat pero kaagad na tumaas ang kilay ko nang makita ko'ng wala si Ram sa higaan. Bahagya ring nakabukas ang zipper ng tent ibig sabihin ay lumabas ito. Saan naman kaya ito nagpunta? Nagdesisyon akong lumabas para hanapin ito at nakita ko ngang nasa harapan ito ng bonfire habang nanonood sa pag-agos ng tubig sa ilog. Nakakahalina ang tunog niyon. Malamig at presko ang hangin lalo na sa gabi. May mga alitaptap rin na umaaligid sa ibabaw ng tubig tabang. Nakadagdag tuloy ng ganda lalo ang mga ilaw nito. Inse

