KAPITULO 20

1259 Words

NAKAUPO lang ako sa malaking bato habang pinanonood ang pagligo ng mga kaibigan ko sa talon. Nagkakasiyahan ang mga ito roon. Samantalang ako, hindi ko magawang makasali sa kanila. Paano ay napilayan ako at ngayon ko lang naramdaman ang sakit matapos ang ilang segundo buhat nang buhatin ako ni Ram. Hindi ko magalaw ang binti ko dahil sa pamamaga nito. Bumuntong hininga ako. Ang linaw linaw pa naman ng tubig ng talon, halos kasing linaw ng ulap sa kalangitan. Mga ibon na panay ang kantahan sa mga puno. Ang pagbagsak ng tubig mula sa falls ay makakadagdag pa mismo sa excitement sana kaso ay ito na nga, nadisgrasya pa ako. “Sanya! Hindi ka ba talaga maliligo kahit lublob lang?!” sigaw ni Wayde sa kalayuan. At dahil napapaligiran kami ng matataas na puno ay umalingawngaw ang sigaw nitong i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD