DAMANG dama ko ang intensidad ng tinginan ni Ram at Dawson na ngayo'y nasa harapan ko. Kulang na lamang ay kidlat sa pagitan nila at pareho na silang magsasalpukan. “May nangyari na naman ba sayo?” Tumapon ang tingin sa akin ni Ram. Tiim ang kanyang bagang dahil sa bahagyang paggalaw niyon. “W-Walang nangyari sa akin Ram. Hinatid lang ako ni Dawson dito at namili na rin siya ng prutas para sa kanila,” kinakabahang sagot ko. Hindi ko maintindihan ang pagkuyom niya ng kamao. Para saan naman iyon? May nagawa ba akong masama para ikagalit niya? “Tama si Sanya. Sa katunayan nga ay paalis na rin ako,” sabad ni Dawson na ang tingin ay na kay Ram. “Paano, alis na ako Sanya. Bukas na lang ulit.” “Bukas?” Napatitig ako sa kanya. Napahawak ito sa batok. “Ah, hindi ba nabanggit ng kaibigan

