KABANATA 61

2347 Words

SIGURO kasing lapot na ng kondensada sa lata ang pawis na namumuo sa noo ko pagkapasok ko pa lamang sa matayog na establisyemento ng Montevista Group of Company. Napapaligiran kasi ng salamin ang buong building. Bukod pa roon, bawat makasalubong kong mga empleyado ay mga mukhang intelehente at nagmula sa mga sikat na paaralan. Maayos magdala ng sarili at talaga namang nakaka-intimidate. Kabi-kabilaan inglesan rin ang naririnig ko. Tila mga native magsalita at matatas. Nahiya tuloy ako sa sarili ko na halos hindi naman fluent sa salitang ingles. Sa daloy ng mga empleyadong nagmamadaling makapasok sa elevator ay nakisabay ako. Binasa ko ulit ang papel kung saan isinulat ko ang kumpletong mensahe ng HR sa akin. Sa 9th floor daw ako pumunta at hanapin lamang ang babae ito sa gwardiya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD