Pagsapit ng alas sais ng gabi ay di na siya mapakali sa kanyang kinauupoan, na briefing na nila ang mga kasambahay na walang kinalaman sa mga nangyayari sa kanila. Kailangan lang dumapa ng mga ito upang wag madamay, nagsama sama ang mga ito sa gilid upang di sila matamaan ng mga bala. Ang iba ay napilit nilang magsuot ng bullet proof vest, Lalo at di naman mamimili ang bala once na ipinaputok na. Tatama ito sa kung sinoman na hahara hara sa daan. He want to make sure of his family's safety, kahit na alam niyang walang katiyakan ang kanilang laban. Halata ang pagka aligaga ng mga tao sa paligid. Naglagay siya ng tila head set sa teynga ng dalawang bata. Upang di nila marinig ang mga palitan ng putok mamaya. Alam niyang manlalaban ang mga ito mamaya, ang isa pa sa di nila matiyak ay ang da

