Habang lumilipas ang mga oras ay tila mas lalo siyang mababaliw sa labis na pag aalala para sa kanyang mga mahal sa buhay. Di rin makausap ng maayos ang kanyang ama. Forty eight hours na ang nakalipas simula ng dukotin ang mga ito, ngunit walang kahit na anong tawag silang natanggap. At di niya alam kung anong klaseng tao ba ang kumuha sa mga ito, bakit magpahanggang ngayon ay wala paring hinihinging ransom. He can give all his wealth maibalik lang ang mga ito sa kanya ng buhay. "Here eat this, para may lakas ka upang maghanap sa mag iina mo at kay Mama." Si Kuya Kiel. Di niya mapigilang di mapahikbi ng marinig ang pagbanggit sa kanyang mag iina. "Ang hirap ng sitwasyon natin ngayon. Nag alala ako para sa kanila, habang tumatagal ay nauupos ang pag asa na meron ako. I felt so useless.

