BW 69

2115 Words

Medyo gumaan ang kanyang dalahin sa konsensya, dahil sa pagkikita nilang ito ni Wennie. "It feels so good na at least ngayon ay malaya na siya mula sa kanyang pamilya." Sabi ni Jhai. "Di ko lang lubos maisip na makakaya ng isang magulang na ibenta ang labi ng anak. Napakagahaman sa pera talaga ng mga magulang at kapatid niya." Si Gio. "May mga tao siguro talaga na ganun. Di nila kayang pahalagahan ang buhay ng kanilang pamilya at mas nananaig ang kagustohan na magkapera." Si Red. Milyon kapalit ng labi ng kanilang anak, ilang buwan na dinala sa sinapupunan ng ina tapos ilang taon na inalagaan ngunit nagawa ng mga ito na ibenta ang katawan ng patay na. Dapat nga ay kinuha ng mga ito ang labi at bigyan ng maayos na libing. Pagpapakita man lang ng pagmamahal na meron ang mga ito sa anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD