Isang bagsakan lang ang lahat na tila ba ay sinasakal narin siya sa sakit na nadarama. Marahil ay di na kinaya ng puso ng kanyang ama ang sakit na dulot ng mga nangyari sa buhay nila. "Daddy! O why?" Si Kuya na nakasalampak na din sa sahig. Para siyang mababaliw sa lahat ng nangyayari na napasabunot siya sa kanyang sarili. "Bro, nandito lang kami. We will kill them all." Si Wind na bakas ang galit sa mga mata. Alam niyang kagaya niyang nakikiluksa din ang mga kaibigan niya. Di sila makausap na magkapatid, parang namimingi siya sa labis na katahimikan. Tahimik lang siyang nakatitig sa mukha ng asawang nakahiga sa kabaong. Putok ang kilay at may malaking pasa ang gilid ng ulo nito na tila hinampas ng kung anong matigas na bagay. "I want to kill them all, gusto kung iparamdam ang sakit

