Raya Pov Di niya nais mawala sa paningin ang asawa, simula ng mabasa at makita niya ang drawing sa may taas ay di na siya halos makatulog. Lalo pang tumindi ang kabang iyon ng ilagay ni Belle sa kanyang bulsa ang note. Grabe ang kaba niya di lang para sa kanyang kaligtasan kundi maging para sa kaligtasan ng kanyang mag aama. May naging karanasan na siya sa ganito, tila deja Vu lang ng mga nangyari nung bata pa siya. Nung tumakas siya mula sa kamay ng kanyang tiyuhin. Ang pinagkaiba lang ay marami sila ngayon. "Whatever happens wag kayong hihiwalay sa amin ni Jana." Sabi ni Aqua ng malapit ng sumapit ang alas sais. Iyon ang nakatakda na oras ng paglusob ng kalaban. "Paano kung paghiwalayin tayo ng pilit?" Si Mama, na katulad ko ay bakas ang takot sa mukha nito. "Wag na kayong pumalag,

