CHAPTER ONE
Mula sa kinalululanang eroplano, kitang kita niya mula sa itaas ang malapad na NAIA airport. Sa wakas, makakatapak na siyang muli sa Pilipinas, it's been a long time mula nang umalis siya dito five years ago. Napangiti siya at napabuntong hininga. She felt nervous sa muling pagtapak sa Pilipinas. She do have a lot of memories in here. Siguradong nag-aantay na sa kanya ang lahat, excited na tuloy siyang umuwi.
"Pat!!", napalingon siya sa may pinanggalingan ng tinig na iyon. Mula sa kumpol ng mga tao na nag-aantay sa airport ay nakita niya ang kanyang mommy na nakangiti. Kasama nito ang kanyang kuya. She hurriedly grab her baggage. Lakad at takbo na ang ginawa niya, ganun siya kaexcite na makasamang muling ang kanyang pamilya. Kahit ba naman palagi siyang pinapagalitan ng kanyang daddy noon dahil sa pagiging matigas ng kanyang ulo. The reason why her dad sent her to Spain and enrolled her in an expensive Catholic church.
"Mom!!", niyakap niya kaagad ito ng mahigpit.
"Welcome back! Brat!", kaagad siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa kanyang kuya at hinarap ito na busangot ang mukha. Kahit na complete opposite sila ng kanyang kapatid, they were very close. Kaya nga ang swerte niya rito sa kuya niya, na kahit sa pagiging spoiled brat niya, hindi siya nito nagawang saktan physically. He was overprotective to her.
"Kuya! Iyan ba kaagad ang isasalubong mo akin?, nakakatampo ka naman", kunwari siyang nagmaktol dito.
"But it's okay, by the way, I miss you too, sooo mucchh!", pagkasabi'y niyakap niya ito ng mahigpit.
"Okay, that's enough, let's go, everyone is waiting for you to come home tonight", anito.
"Really?, ano pang hinihintay natin, kindly bring my baggage kuya para mas lalong mapabilis", nagpatiuna na siyang maglakad, kasama ang kanyang ina na nakangiti lamang sa usapan nilang magkapatid.
Nang makarating sila sa kanilang sasakyan, kaagad niyang binati ang kanilang family driver, saksi ito sa lahat ng kanyang mga nagawa, mapabuti man at mapasama.
" Hi manong, bumabata ata kayo ngayon", biro niya dito.
"Maligayang pagbabalik, ang lakas niyo parin pong makapambola ma'am Patricia," nahihiyang sagot nito.
"Manong naman, hindi kaya ako nagbiro,"pagpapatuloy niya.
"By the way mom, where's dad, ba't hindi siya sumama?"
"Ayon, siya ang nag-aasikaso sa mga bisita sa bahay", sagot nito.
"Ganun ho ba?, tara na nga", aniya
Habang nasa daan sila, panay ang tanong ng mommy at kuya niya tungkol sa buhay niya sa Spain. Pagkarating na pagkarating nila sa bahay nila, sinalubong kaagad siya ng kanyang mga pinsan.
" Patri! Is that you? Ang ganda ganda mong lalo ah, nakapunta ka nga lang ng Spain, lumevel up ka na!", wika ni Rochelle, isa sa mga pinsan niya.
"Oo nga, tama si Rochelle insan, akala ko nga kung sino ng hollywood star ang dumating dito sa mansion niyo", natatawang turan ni Carol, isa na naman sa mga pinsan niya.
"Alam ko namang puro pambobola yan, no worries may pasalubong ako sa inyo", nakangiting turan niya sa mga ito.
"Bakit alam mo pinsan?!", dagdag pa ni Rochelle.
"Ofcourse, been there, done that, para naman hindi tayo magpinsan niyan. Tara na nga sa loob", pagyaya niya sa mga ito, nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng kanilang magarang bahay.
Sa kanyang pagpasok sa loob ng sala ay bumulaga sa kanya ang mga balloons at ang mga taong nag-aantay sa kanyang pagdating. Nakita niya ang kanyang daddy na nakatayo sa may paanan ng staircase.
" Dad!, nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit", miss na miss niya na ito ng labis, hindi niya mapigilang mapaluha.
" Welcome home hija", gumanti naman ito ng yakap sa kanya.
"Dad, I miss you so much", ginantihan niya rin ang mahigpit na yakap nito sa kanya. She could feel that she was being fully loved by her father despite from the fact that she doesn't even respect him, but that was before.
Matapos siyang kamustahin ng kanyang mga kapamilya habang nagsasalo salo sa isang masaganang hapunan, ayon at nagkaroon na rin sila ng pagkakataon ng kanyang matalik na kaibigan na si Meryl, partner in crime niya rin ang isang ito. Lahat ata ng mga kalokohan ito ang naging saksi at tagapayo narin niya. She was even the problem solver.
" How was your stay there?", nasa kwarto niya sila nag-uusap.
" It was good, the new atmosphere change me a lot, I had learned a lot of lessons in life", natatawa pang wika niya. She could remember no'ng first day of school niya sa university. She has no one to talk with. Nahiya din siyang lumapit sa mga kaklase, bukod doon, she knows only few Spanish. Biglaan din naman kasi ang pagtransfer niya.
"It's nice to hear, mukhang malaki nga ang naitulong ng pagtira mo dun, nabawasan ang pagiging bitter mo, at hindi kana pasaway dun, tulad ng ginawa mo dito sa Pilipinas, "anito't nginisihan sya.
Nginitian niya ito,"You're right, medyo bumait na nga ako ng kaunti, takot kaya akong gumawa ng katarantaduhan dun, sukat ba namang ipapabasa sa iyo ang buong bible ng isang gabi at ipamemorize ang mga verses kung nagkasala ka", pagkukwento niya.
Pumalatak ng tawa si Meryl, nahawa narin sya. Sino ba namang magulang ang hindi makokunsimisyon kung isang tulad niya ang magiging anak.
"Patricia! Anak, ayaw mo bang pumasok ngayon? Naku! tirik na ang araw tulog ka pa, kanina ka pa ginising ni yaya Bebang", kanina pa naiinis ang kanyang mommy sa kanya.
" Mom, i wanted to sleep pa, it's early pa naman,"naantok na turan niya, eh sa tinatamad syang gumising ng maaga.
" My God Pat! You are no longer a kindergarten para umaktong ganyan", galit nga ito.
"Hindi nalang ako papasok mom, I'm tired".
"Inuubos muna ang pasensiya ko Patricia ha!, baka gusto mong putulin namin ng daddy mo ang iyong allowance", galit na nga ang kanyang butihing ina.
"Eh di bumagon, sabi ko nga", aniya sa kanyang isipan.
Pupungas pungas siyang tumayo mula sa kanyang malambot na kama, dumiretso siya sa kanyang banyo at binuksan ang shower, tumapat siya dito na nakapikit pa ang mga mata at suot pa ang damit pantulog. Nang maramdaman ang lamig ng tubig saka pa siya tuluyang nagising. Ng matapos siyang makapagshower, kaagad syang nagbihis at pumunta sa hapag kainan para mag-agahan. Pagkatapos niyang maubos ang kanyang pagkain, ay kaagad siyang dumiretso sa garahe at kaagad sumakaysa kanyang kotse.
Pagkarating niya sa parking lot ng University na kanyang pinasukan uminit kaagad ang kanyang ulo ng makitang may nakaharang na Harley. Sunod sunod na busina ang ginawa niya. Bakit naman kasi diyan pa ipinark ang isang yan, hindi siguro nainform ang may-ari na nakakasagabal ang motorbike nito sa mga katulad niyang may kotse. Dapat kasi may separate lot ang mga motorbike sa kotse. Isasuggest niya siguro iyan sa students counsil. Naisipan niyang ang sarap bundulin, wala naman siguro ang may-ari nito. Bahagyang iniatras na niya ang kanyang kotse sa handang pagtupad ng kanyang masamang balak ng lumapit ang may-ari nito. Parang nagslow motion bigla ang kanyang paligid. Imbes na sigawan niya,nabitin ang kanyang mga salita at biglang nagmalfunction ang kanyang voice box. His eyes were so beautiful, nakakamesmerize. Ang ilong nito naman te! ang taas, hindi nakakasawang tingnan. Ang kinis pa ng mukha nito, siguro nahiya ang lamok na kumagat at pati pimples hindi na rin binalak na pakialaman ang mukha nito. Down to his red and well formed lips, ayan wala siyang maipintas.
Her lips were left parted upon seeing him. Kung wala lang ang ngipin niya, siguradong tumulo na ang laway niya. Ang gwapo naman talaga nito, ang sarap kaladkarin papunta sa ladies room at doon lulunurin niya ng halik. Ang sarap sigurong makulong sa mga malulusog na bisig nito. Bakit ngayon niya lang nakita ang isang ito sa campus?
"Miss, is there any problem? Kanina ko pa kinuha ang aking motorbike baka kasi tuluyan mo na ito", narinig niyang wika nito at nakatitig sa kanya, kanina pa ba ito dito sa tapat ng bintana ng kanyang kotse? Nagsisirko ang kanyang puso, para naman niyang nalulon ang kanyang dila, speechless sya.
" Miss, are you sure you're okay, ang lagkit naman ng titig mo sa akin?", naglaro ang simpatikong ngiti sa mga labi nito. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Bumangon naman ang inis niya sa kanyang narinig.
" Hoy! Yabang mo naman manong! Bakit mo iniharang ang bubwit mong motorbike sa daanan ko ha? Sana nga lang tinuluyan ko nalang yan,"she smirk at him, idinaan niya na lang sa taray ang kahihiyan.
"Come again? Tinawag mong bubwit ang motorbike ko? Kung magpaligsahan kaya tayo, pabilisan ng takbo?" hamon nito sa kanya.
"Hindi nga ba? Bakit malaki ba yan sa paningin mo?"
"It is quite bigger than a usual motorcycle, so it is"
" Neknek mo, get out of my way!", naiinis na wika niya.
Tumabi lang ito at hindi umalis. Padabog na binuksan niya ang kanyang kotse at kumaripas ng alis na wala man lang lingon.
" Hey! You forgot to close your car,"sigaw nito sa kanya.
Paglingon niya nga'y nakabukas nga, ang tanga lang te. Nakaharap niya lang ito naabsent minded agad.
" Alam ko, may remote control yan, kaya umalis ka na diyan, allergic paman din ang kotse ko sa mga tulad mong...", idudugtong sana niyang gwapo.
" Tulad ko na ano? Say it, baka magustuhan ko", anak ng teteng, nginitian pa siya ng loko, at nagkasala tuloy ang kanyang mga mata.
'Say it, baka magustuhan ko,' she silently repeat after him.
Matapos niyang mailock ang kanyang kotse, kaagad siyang umalis,bago pa man siya himatayin sa kilig, naman! Late syang lalo. Samantalang lingid sa kaalaman ni Patricia, sinundan sya ng tingin ng nakangiting binata.