Chapter Ten (Final Chapter)

4359 Words
"Bossing, mukhang wala atang tao sa loob, wala man lang kasing bumukas ng pinto o sumagot man lang", narinig niyang wika ng isang tao sa labas ng bahay. "Nag-iisip k aba ng tama Tomas? O sadyang wala ka lang utak! Gago! Sino namang sira ulo ang magbubukas ng pinto kung alam nilang delikado!", sigaw ng tinatawag nitong boss at buhat do'n ay napapitlag siya. "S-sorry ho boss", paghihinging paumanhin nito. "Sa susunod na bubuka yang bibig mo at magbibigay ka ng opinion sa akin, siguraduhin mong tama ang mga lumalabas diyan sa iyong bibig, ng sa gayun ay hindi ikaw ang mapagbuntunan ko ng galit", galit nag alit na wika ng kausap nito. "Opo boss", anito sa mababang boses. "O kayo! Ano pa ang itunotunganga niyo diyan? Nag-aantay pa kayo ng pasko? Libutin niyo ang buong bahay, at kung nakalock ang mga pintuan, wag kayong magdalawang isip ng paputukan", mabalasik na wika niyo. Ng marinig niya ang sinabi nito ay saka pa lamang niyang nagawang kumilos. Siya nga ang pakay ng mga ito. Paano siya natunton ng mga ito? At Sino ang mga taong ito? Hindi na niya alam ang kanyang gagawin, lalo pa at wala ang binate, siya lang mag-isa. Kung saka-sakali mang makapasok ang mga ito, ito na siguro ang katapusan niya. Nanginginig siyang pumunta sa telepono at tinawagan ang binata. Nakailang dial na siya at hindi parin nito sinagot ang kanyang tawag. nakarinig 'Paolo, please, maawa ka naman, please pick up the phone', mangiyak ngiyak na wika niya sa sarili. Napapitlag siya ng makarinig ng sunod sunod na puto ng baril. 'Paolo, please', aniya at bumuhos na ang kanyang mga luha. "Hello?", sa wakas sumagot ito. "Pao, please come home", napahagulhol na siya ng marinig nag boses ng binata. Parang nakahanap siya ng kakampi. Eh yun naman talaga eh. "Why? What happen? Bakit ka umiyak? May masamang nangyari ba?", sunod sunod na tanong nito. "They already found me, and they were already outside the house", aniya. "Dammit!! Okay, try to calm down, pauwi na ako. Makinig kang mabuti, pumunta ka sa kwarto ko, pumasok ka sa loob ng mini library ko, makikita mo doon na may isang book shelf, tabigin mo iyo. Buksan mo ang maliit na pintuan. Wag na wag mong kalimutang ibalik sa dati ang shelf. That door is going to the underground", mahabang bilin nito. "Oo-o, pero please Pao, bilisan mong umuwi ng bahay", pagmamakaawa niya. "Don't worry, papunta na ako diyan. Try to calm yourself. You have me, wag kang matakot, hinding hindi ko rin hahayaang makuha at saktan ka nila, got it?", anito. "O..oo", aniya, sa totoo lang gusto na niyang humagulhol ng iyak. "Now, do what I say, make it quick", anito. Pagkatapos niyang maibaba ang telepono ay nagmadali siyang pumanhik sa kwarto ng binata. Kahit nanginginig ang kanyang buong katawan na halos hindi na niya maigalaw ang kanyang mga paa, ngunit nagpapatuloy parin siya sa pag-akyat. Nagkadapa-dapa na siya. Hindi pa siya nangalahati sa pag-akyat sa hagdan ng marinig niya ang marahas na pagbukas ng front door. Natigilan siya at napalingon. Nahindik siya ng makita ang mga kalalakihan na pumasok sa bahay at may mga dalang baril. Hindi na niya tuluyang maigalaw ang kanyang mga paa. Naipako siya sa kanyang kinatatayuan. Ang mas lalong nakakapanglumo sa kanya ay nag makita niya ang kanyang ninong. 'Tito', hindi na niya milabas ang kanyang boses. Hindi niya lubos akalain na ang tao na nasa likod na lahat ng ito ay ang kanyang tito. Sino ba naman ang mag-aakalang magagawa nito ang ganitong kasamaang na sa bawat araw na makakasalamuha nila ito ay puro kabaitan ng ipinapakita. "Hija, dito ka lang pala nagtatago? Alam mo bang nag-aalala na ako ng labis sayo?", taliwas sa mga binibitawang salita nito ang tono ng boses nito. "N-ninong", mahinang sambit niya. "Bakit parang biglang bigla ka? Hindi mo baa lam na sobrang nag-aalala na ang daddy at mommy mo sayo? Ginawan ko na sila ng pabor, nagpresenta na akong ako na ang maghahanap sayo", ngingi-ngiting turan nito sa kanya. Dahan-dahan siya umakyat ng hagdan ng paatras. Unti-unting bumangon ang galit sa kanyang dibdib. " Hindi ko lubos akalain na magagawa mo sa akin ang ganitong klaseng katarantaduhan ninong, of all people", galit na wika niya. Narinig niya ang malutong na tawa ng ginoo at biglaan nalang itong napatigil at mabalasik na tumingin sa kanya. "Katarantaduhan ngang matatawag ito hija, pero siguro naman alam mo na may rason ang bawat pangyayari. I have my own reasons why this happen", anito sa kanya. "N-ninong, I don't think this would include our family", nagbabasakali siya sa imposibleng bagay. " No, I am not wrong. From the very beginning, this is my intention. To ruin your dad and to ruin your entire family", nakikinita niya ang galit sa bawat tingin nito sa kanya. "Ninong", it was really hopeless to persuade this man. Hindi na siya magkamayaw pa sa pagpapatakbo ng kanyang motorbike. Nanggaling siya sa pinsan niyang nagmamay-ari ng security agency. Actually, it was owned by him and of his other cousins. There were five of them who run this type of business. The whole time that he was not around with Patricia, is the time in which he did work on finding the culprit. He guess it right, it was Patricia's godfather. Unang tingin palang niya nung araw na dumalaw ang matanda sa pamamahay ng mga Ayala ay masama na ang kutob niya rito. Ngayong araw lang din lang nila nalaman at nakumpirma ang lahat ng mga katiwalian ng matandang Reymundo Galvanes kalakip na ang pagpapakidnap at ang pamamaril sa bahay ng mga Ayala nung araw. Kagagaling lang niya sa bahay nina Patricia at kinausap niya ang mommy at daddy nito tungkol sa matandang kumpadre ni Mr. Ayala. Maging ito ay hindi makapaniwala sa nabalitaan. "Hindi parin nagsink in sa aking isipan na magagawa ni tito ito", ani Paul ng makausap niya ito sa cellphone. "The first time I met him, masama na ang kutob ko sa matandang iyon at hindi nga ako nagkakamali. Oras na saktan niya si Patricia, hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. Hindi siya makakaligtas sa akin", aniya at mahigpit na nakahawak sa manibela ng kanyang motorbike. "Pagsisihan niyang nabuhay siya sa mundong ito oras na saktan niya ang kapatid ko at ang buong pamilya namin. Thank you so much for your help bro. napakalaking tulong itong ginawa mo sa aming pamilya, lalo na sa kapatid ko", anito sa kanya. "Don't mention it bro", aniya bago pinindot ang end button. Katatapos niya lang makausap sa kanyang cellphone ng tumawag ang dalaga. At ngayon nga ay nasa panganib ito ngayon. This is way too far from what he's expecting. Ngayon pa na wala siya sa tabi ng dalaga. "Ninong! Please, bitawan niyo ako. I don't get the idea kung bakit mo ito nagawa sa amin", hilam na ng luha ang kanyang mga mata. Nagpupumiglas din siya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga tauhan nito. "Hindi ko naman hiniling na alamin ang rason kung bakit ko nagawa ito hija. Try to be patient. Wag kag mag-aalala magkakaroon din kayo ng family reunion. At lam ko ring darating ngayon ang tagapagligtas mo", anito at prenting nakaupo sa sofa. "I thought you were a good person the way I use to know you, pero nagkakamali ako. Paano mo nagawang pagtaksilan ang daddy?!", birit pa niya. "Taksil? Taksil!!! Iyan ang salita na hindi ko gustong marinig! Dahil marinig ko pa nga lang ang salitang iyan, para gusto ko ng pumatay ng tao, at iyan ay ang buong pamilya mo, kasama na ang pakialamerong lalaking iyun!", sigaw nito sa kanya ang nanlilisik ang mga mata. "Wag na wag mong idamay dito si Paolo, kung nagawa man niyang makialam iyun ay dahil alam niyang mali ang ginawa mo!", sagot niya dito. Hindi lang ang buhay ng buong pamilya niya ang nanganganib ngayon, pati narin ang buhay ng binata. "Kaya nga nainis akong lalo, dahil sa pangingi-alam niya malaking ang posibilidad na mabulilyaso ang plano ko. Kaya siya ang unang kong alisin sa eksenang ito", anang ninong niya. Mas lalo siyang nagalit sa narinig. Hindi niya hayaang mangyari iyun. "Walanghiya ka!! Napakademonyo mo!!", nagpupumiglas siya, pinigilan siya ng mga tauhan nito sa planong pagsalakay niya rito. "Busalan niyo ang bibig niyan at tali.an siya. Pagkatpos ay dalhin niyo sa kotse, bago paman dumating si Paolo", utos nito sa mga tauhan. Nagpupumiglas siya sa mula sa pagkakahawak ng mga ito. Kahit ubusin pa niya ang kanyang lakas ay hindi niya magawang makawala sa mga ito. They were dragging her to the door. "Bitawan niyo siya! Hanggang diyan lang kayo sa kinatatayuan niyo!", umalingawngaw ang boses ni Paolo sa loob ng kabahayan. Natigilan ang mga tauhan ng kanyang ninong at maging ito narin. She felt happy upon seeing him, but the thought of having him here with her ninong, it makes her worried. Walang ibang kasama ang binata, at marami ang mga tauhan ng kanyang ninong. "Tigilan mo na ito Mr. Galvanes, alam na nila tito ang lahat ng mga ginawa mo", ani Paolo. "Hindi ko inaasahan ang pagdating mo hijo. Ikaw pala ang nagtago sa maganda kong inaanak, at ikaw rin ang nagligtas sa kanya nung araw na balak ko sanang kidnapin si Patricia. Magaling ang bawat timing mo sa mission ko. Sana pala kinuha na kitang isa sa mga tauhan ko", panunuya nit okay Paolo. "Tito! Wag mo ng paglaruan pa ang mga taong nasa paligid mo! At wag na wag mong saktan ang kapatid ko. Dahil oras na mangyari iyan, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Kahit paman nagging parte ka pa ng pamilya namin!", mula sa pintuan ng bahay ay nagsalita ang kanyang kuya. Galit nag alit ang mukha nito. Mahigpit siyang hinawakan ng mga tauhan ng kanyang ninong. "Oh! Paul hijo! Andito ka rin pala", anito na nakangiti pa at pumalatak ng tawa. "Sumuko ka na! wala ka na namang kawala, at kung gagawa ka pa ng mga bagay na makakapahamak ng mga tao dito sa loob ng pamamahay ko, mas lalong madadagan ang kasalanan mo", ani Paolo at nanagis bagang. "This is all over tito, tigilan mo ito", mahimahon na paki-usap ni Paul. "Sumuko? Ano ang akala niyo sa akin? Isang hangal na basta-basta nalang susuko dahil pinakiusapan niyo ako?!! Ngayon pa ba ako susuko kung kalian malapit na akong magtagumpay? Nagkakamali kayo sa inaakala niyo. At kung magkakamali man kayo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang babaeng yan?", nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Nakatutok ang baril nito kay Patricia, nakita niyang nanginginig ang babae at napaluha. He wanted to him straight to the head but he can't dahil baka ano pa ang mangyari sa babae. "Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng mali Mr. Reymundo, dahil hindi ako nagpapatawad ng mga matandang masama.", tinutukan niya ito ng baril. "Salamat sa paalala, pero hindi naman akko ganum kabobo para gumawa ng mga bagay na sa huli ay pagsisihan ko. Siguro naman may dahilan ang bawat bagay. Masyado ka ng nangngi-alam sa buhay ng may buhay Mr. Montachalian. Problemang pampamilya ito kaya't hindi ka dapat pang nakikisawsaw pa!!", anito at mas lalao pang idiniin sa sintido ng dalaga ang baril. "Dahil hindi na tama pa ang mga ginawa mo tito!!", dumagundong ang boses ni Paul sa buong kabahayan. "Mas hindi tama ang ginawa ng iyong taksil na ama!! Alam mo ba iyan? Ah! Bakit ko pa nga ba tinanong ang bagay na yan na klarong-klaro namang wala kayong kamuwang muwang sa pagitan nami ng mga magulang mo!! And that damn man, he live with a happy life and left my life into misery!", hindi pa ito nakuntinto sa pagtutok ng baril kay Patricia, hinila pa nito ang buhok ng dalaga. Dahilan para mapahiyaw ito. Sa kabilang dako naman, ay halos kalabitin na ng binata ang gantilyo ng kanyang baril ng makita ang dalagang nasasaktan. Nagpaigting ng mga pangyayari. Tunog ng mobile car ang mas lalong "Sige! Palapitin niyo ang mga pulis at hindi ako mangingiming patayin ang babaeng ito!", anito at hawak hawak si Patricia habang nakatutok parin ang baril dito. "Binabalaan kita tito! Wag mong saktan ang kapatid ko, wala siyang kasalanan!", galit na turan ni Paul. " Hindi n asana kayo nagdala pa ng mga pulis, at hinding-hindi niyo na ako mapipigilan pa!!! paputukan nag dalawang iyan!", narinig na ni Patricia ang ilang putok ng baril at napasigaw siya. Ngunit bago paman maunahan ang dalawa, nagawa ng barilin ni Paolo ang iba at kumubli sa likod ng sofa, maging gayon rin si Paul. Sa ginawang pagpapaputok ni Paul, natamaan ang dalawa at isa nalang. Samantalang si Reymundo ay tahimik na itinakas ang dalaga papuntang kusina. "They're gone Paolo", ani Paul ng makitang wala na ang kapatid at ang matanda. "Hindi pa yun sila nakakalayo. Abangan mo sila sa garden, I'm sure doon sila napunta, the door in theh kitchen, papunta iyon sa garden. Ako na muna ang bahala dito sa isa pa", aniya kay Paul at nag-iba iba na sila ng landas. Naradyuhan na niya ng mga pulis sa labas ng kanilang rest house na palibutan ang paligis ng bahay and they will just wait for his go signal. Nakita niya ang isa sa mga tauhan na matanda na nakakubli sa ilalim ng staircase. Tahimik at maingat niyang pinukol nab aril ang ulo nito, sanhi upang matumba ito. Wlang malay na bumagsak sa sahig ang lalaki. Tinalian niya ito bago sinundan si Paul sa garden. Nakaabang na si Paul sa malalabong na halamanan. "Paul, ako to, did you saw them?", ani Paolo na hinihingal pa. "Hindi pa, pero kailang maging alisto tayo" "There he is!, palalagpasin namuna natin sila bago tayo lumabas dito sa kinaroroonan natin", bulong ni Paolo. "Okay", sagot ni Paul. Ng makalagpas na ang mga ito, nakita sila ni Patricia. She got the courage to escape from the hands of her ninong. Tinadyakan niya ang paa nito na siyang dahilan para mabitawan siya nito. She quickly run away from him. " Bitawan mo ang hawak mong baril Mr. Galvanes!", saka naman lumabas si Paolo at Paul na parehong nakatutok sa matanda ang baril at ano mang oras ay handan handa ang dalawang kalabitin ang gatilyo ng baril. Natigilan ang matanda. Wala na ang mga inaasahan niyang mga tauhan na siyang makakatulong sa kanya. "Paul,hijo, m-magagawa mo bang saktan ang tito?", anito sa nagmamakaawang mukha. "No mercy in here tito, put your gun down or I'll shoot you straight to your head", galit na wika ni Paul. "O-okay, I'm sorry, susuko na ako", nanginginig ang matanda sa takot. Alam na mismo sa sarili nito na wala na rin siyang laban pa kumpara nina Paul at Paolo. Binitawan nito ang baril at pinakawalan narin nito ang dalaga. "Patricia!", sinalubong kaagad siya ni Paolo ng isang mahigpit na yakap. Napahagulhol siya sa mga dibdib nito. "Paolo, I'm afraid", aniya. She felt that he caresses his back to comfort her. "Calm down, your were safe now, habang nandito pa ako, walang sinuman ang makapanakit sayo Patricia, I will not allow them", aniya at hinalikan ang babae sa noo. He hug her tight, this is the last thing he know to comfort her. "Lakad!", utos ni Paul sa matanda. "O-ou, please maawa ka hijo, just don't shoot me. Pinagsisihan ko na ang aking mga ginawa", madamdaming wika nito. "Chief, pusasan niyo siya", ani Paolo. "Wait, can I ask a favour for the last time? Pwedeng payakap sa mga pamangkin ko, just for the last time", pagmamakaawa nito na animo naiiyak na. "Sige, bilisan mo lang", anang pulis. Yumakap ito kay Paul. "Patawarin mo ako hijo", anito at mahigpit na yumakap sa kanya. "No!!!" "Paolo!!", sigaw ni Patricia ng makita niyang tinutukan siya ng baril ng Mr. Reymundo gamit ang baril ng kanyang kuya at ipinanggalang nito ang sariling katawan. "P-Paolo", maging si Paul ay nagulat din sa bilis ng pangyayari. Hindi niya namalayan na nasa mga kamay na pala ng matanda ang kanyang baril. Narinig nila ang malakas na halakhak nito na animo baliw na. "Akala niyo ba maiisahan niyo ako?!! You're wrong, kung tuso kayo, mas tuso ako, kulang pa yan!!", anito at itinutok ang baril kay Paul. Tatlong sunod sunod na putok ang narinig nila, bago natumba ang matanda. Mabuti nalang at naunahan ito ni Paolo. "You deserve it", mahinang wika ni Paolo matapos. Dinaluhan kaagad siya ni Paul. "Pao, are you okay?....Argh!!" "Kuya!!!!!!!!!!!!!!", sigaw ni Patricia. "I..d-don't w-want you live h-happily", nakangisi pang wika ng matanda. "Tama na ninong!!", galit na sigaw ni Patricia sabay abot ng baril sa kamay ni Paolo at itinutok sa matanda. Sunod sunod na putok ng baril at parehong bumaon sa katawan ni Reymundo Galvanes. Nanginig na binitawan ni Patricia ang baril matapos makita ang kinahihinatnan ng matanda. "K-kuya? P-paolo?, please help me!", aniya sa mga pulis na agad namang nakatawag ng ambulansiya. One month later... Matapos ang pangyayaring iyun at lumipas na ang isang buwan, palagi nalang siyang nakakulong sa kanyang silid. She was so lonely of losing him. Di nga ba't ipinagtabuyan niya ito noon? Oo, pero hindi niya pala kayang mawala ang binate sa kanyang buhay. Akala niya noong una, hatred ang naramdaman niya kay Paolo, hindi niya alam na iyun pala ay simula ng pagbuo ng kanyang naramdaman para dito. Nabalitaan nalang niya mula kay Meryl na lumuwas na ito papuntang States. Hindi man lang siya nito kina-usap man lang o kahit tinext. In the first place, it was her fault, siya rin kaya ang nagsabi dito to get lose and never let him see her again. O e di kinarma nga siya, siya rin ang nagdusa. "Anak, hija, buksan mo ang pinto. Hindi nakabubuti sayo ang palaging nakakulong sa kwarto", binuksan niya ito at pinatuloy ang ina. "Anak, look at youself", her mom tap her shoulder. "Mom, I'm so stupid", aniya't napaluha na naman. "It's normal, nagiging stupid ka pagdating sa pag-ibig", pag-aalo naman nito sa kanya. "Hindi man lang ako nakahingi sa kanya ng salamat," she added. "Yun lang ba ang dahilan ng pag-iyak mo? O may mas malalim pang dahilan, anak Pat, if you two ang meant for each other, then it will come in the right time", alam niya namang pinapataas lang ng kanyang mommy ang pag-aasume na may positive outcome ang mga nagyari. "Naku tita, mauubos mo nalang ang laway diyan sa pakikipag-usap diyan sa babaeng iyan hindi parin yan tatahan. Ang tigas ng ulo", biglang sumulpot si Meryl sa kanyang kwarto. Hindi naman surprising dahil simula ng mangyari ang insidenting iyun at nag-ermitanyo siya sa kanyang kwarto, lagging andun ang kaibigan. "Good thing that you're here hija, ikaw na muna ang kuma-usap diyan sa kaibigan mo", anang mommy ni Pat at iniwan silang dalawa. "O, ayan ka na naman diyan sa pagsisisi mode mo te? Kahit pa umiyak ka ng isang balde maghapon, hindi at hindi na babalik dito si Paolo. Ikaw narin kaya ang nagsabi dun sa tao na wag na wag magpakita sayo", sermon nito sa kanya. "And I regret" "Aba'y dapat lang yan sayo, yung magdusa. Ikaw naman kasi kahit alam mong mahal mo yung tao, kunwarian pang hindi raw. O ngayon? Sino ang nagsisi? Eh di ikaw rin?". "Nagpunta ka ba dito to console me o sermunan ako?" "Noong una, to console you, pero ngayon, andito ako para tulungan kang magising diyan sa kahibangan mo. At isa pa, wag kang magsisi ng magsisi diyan sa sarili mo dahil sising sisi ka na, ikaw ang gumawa ng problemang ito kaya dapat alam mong ihandle 'to", nagalit na nga sigurong tuluyan ang kanyang kaibigan. "Parang gusto ko ng magsuicide", aniya. Napakahopeless nang buhay pag-ibig niya kay Paolo. "And there you go, kung gusto mong magpakamatay, wag ka ng magsabi pa, gawin mo na agad. Gusto mong tulungan kita? May maganda akong plano. Punta tayo sa EDSA, magfull speed ka, tapos mag go go signal ako sayo kung may paparating na malakas na delivery truck. Siguraduhin mong hindi ka nakasuot ng seat belt ha?", nakita niya ang pamumula ng mukha ng kaibigan. "Meryl", aniya sa mahinang boses. "Yun ang gusto mo diba? Dahil ganyan ka na kadesperada? Dahil kaibigan kita at kapakanan mo ang hinahangad ko, iyun ang advice ko sayo at tutulungan pa kitang gawin iyun",padabog na kinuha nito ang bag na nakapatong sa kanyang kama at naglakad palabas ng kanyang kwarto. "I'm sorry, sorry, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh", aniya't niyakap ang kaibigan mula sa likod. "Kung hindi lang kita matalik na kaibigan, nunkang pupunta ako dito para bigyan ka ng napakagandang advice", hinarap siya nito. Wala na rin ang galit sa boses nito. "Thank you sa advice mo, ang ganda nga", may himig pagbibiro na wika niya. "Actually, iyun din ang pinakamagandang linya mula sa nabasa kong pocketbook kagabi, sinubukan kong gamitin din yun sayo. Akalain mo yun, umepekto pala, nilagyan ko yun ng kunting effort para mas lalong kapani-paniwala", nakangiting wika nito sa kanya. Sinimangutan niya ito at hinampas nang napakalas sa braso, dahilan para mapa-igik ito. Makalipas ang isang buwan mula sa pag-uusap nila ng kanyang matalik na kaibigan ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Spain. She wants to get busy and forgot everything, and she thought that Spain is the best place. 5 years later... Nakaramdam siya ng kaba ng bumaba na siya sa sinasakyang eroplano. Kung hindi lang dahil sa wedding anniversary ng kanyang mga magulang, hinding hindi siya uuwi ng Pilipinas. In her stay in Spain for 5 years, she made her dream come true. Hindi man sobrang sikat ang kanyang pag-aaring boutique doon, but she start making a name in the clothing line business. Papalabas na siya ng biglaan na lamang siyang binunggo ng isang lalaki, kung hindi lang ito mataas sa kanya, baka nakita nito ang talim ng kanyang tingin, she's wearing a high hilled shoes and she almost fall, kung hindi lang mabilis ang kanyang reflexes, kanina pa siya namudmud at baka pinagtatapakan na siya ng mga tao. Biglang nabuhay ay kanyang katarayan at marahas na nilingon ang lalaki. Sa isipan niya, wala na nga sigurong natirang gentleman sa mundo, nilamon na ng lupa. " Excuse me Mr! I don't hear your apologize, tao ang binunggo mo, hindi tuod, baka sakaling hindi mo alam," nakatalikod ang lalaki ng lingunin niyang muli. Sayang naman ang pagtikwas ng kanyang kilay, minsan niya lang itong ginawa, kung talagang inis na inis na siya. " Haharap ka ng kusa o baka-" Nabitin sa ire ang kanyang sasabihin ng humarap sa kanya ang lalaki. Hindi naman siguro siya nanaginip ng nakatayo, at lalong hindi naman siya magkakamali sa nakita. Hindi niya maaring makalimutan ang mukha ng isang ito. He is Paolo Montachalian, the man her heart is longing for. Hindi lang puso kundi pati narin siya. Hindi niya na alam kung ano ang maging reaksyon. She want's to run towards him and give him her utmost hug, pero hindi siya makagalaw. " Nice to see you again Pat", sa kanyang muling pagkurap, nasa harapan na niya ang binata at nakatitig sa kanya. " P-paolo?", hindi parin siya makapaniwala. " At your service", he said with a very sweet smile and saluted her. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng masilayan ang matamis nitong ngiti. Ang corny na siguro niya. " Excuse me ma'am, sir, would you mind if I will tell you not to block the way, nakakaabala na kasi kayo sa ibang pasahero", magalang na wika ng stewardess. Saka palang niya narealise na parang nagshooting sila ng isang romantic film. Nakayuko siyang bumaba ng eroplano, she hear him chuckled. Ng makalabas sila sa eroplano, nakita niya ang malaking banner na nakasulat ang malaking pangalan nilang dalawa ng binata. So siya lang ang walang kamalay malay na plinano ng mga ito ang buong pangyayari. "My friend!", sigaw ng kaibigan niya na nagtatakbo papunta sa kanila ni Paolo. Kung hindi siya nagkakamali, plano ito ng babaeng ito. Niyakap siya nito ng mahigpit, imbes na gantihan ito ng yakap, kinurot niya ang tagiliran nito, dahilan para kumalas ito at napa-aray. "Ano ka ba namang babae ka? Akala ko nagbago ka na? Bakit ang sama mo ulit?", nagtatampo-tampuhang wika niya. "I want youto explain this, sige ha? Magsama kayo tatlo! Nakakainis kayong lahat, pinagkaisahan niyo ako, lalo ka na Paolo", baling niya sa binatang abot tainga ang ngiti. Ewan niya at sa kung saan ipinaglihi ang ngiti ng lalaking ito, gusto kasi ulit magbago ang kanyang mood. Sa halip, tinalikuran niya ang tatlo. "Sinumpong na naman ng kabaitan ang kapatid ko", narinig niyang wika ng kanyang kuya. "Don't worry dude, I will take care of her", buhat sa sinabi ng binata, kinilig siya at parang timang na napangiti. Dumiretso sila sa bahay nila. Ang magaling niyang instant boyfriend ay matagal na palang bumibisita sa kanilang mansion. Siya lang ang walang alam. Hindi niya rin magawang magalit dito. Ewan niya lang, baka kinulam siya nito. Her family throw up a welcome party for her. After a couple of hour na pagspent niya sa kanyang mga kamag-anak niya, lumabas siya ng bahay at magpunta sa garden. Medyo,nahihilo narin siya, naparami ang kanyang nainom. She wanted to breath a fresh air. Naupo siya sa may bench and look around, napangiti siya sa katiwasayan ng gabi. Even the sky were so peaceful, she took a deep breath air and close her eyes, trying to feel the tranquillity of the place. "Are you okay?", napadilat siya ng marinig ang boses ng binate. He sit next to her. "Yes, paano mo nalamang nandito ako sa graden?", hinarap niya ito. "Cause I'm head over heels to you, kaya hindi pwedeng mawala ka sa paningin ko", gusto niya matawa sa pagiging seryoso nito. "Kaya ba umalis ka ng bansa na walang paalam sa akin?", may panunumbat na wika niya. "I know, it was completely my fault, hindi ko man gustong umalis but I need to settle things out", he said while looking straight to her eyes at nakakulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. Wala na, hindi na niya kayang magalit pa dito. Matagal na rin niyang pinagsisihan ang mga desisyon noon, and she doesn't want to fail again. "I know, and I'm sorry from pushing you away,"aniya rito. "I don't care if how many times you pushed me away, for I have a thousand reason to drew near you". "I love you", naiiyak na wika niya. "Bakit ba napakamaiyakin mo ngayon, hindi ka naman ganyan dati ah, sobra mo pa ngang palaban", nakangiting turan ni Paolo while drying up her tears with his hands. "Bawal na bang umiyak?, nakangiting wika niya. "Ou, kung ang dahilan ng pag-iyak mo ay ako," he hug her tightly. "I cried not because I'm sad, I am just so happy to have you, akala ko pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na tayo darating sa point na to, pagkatapos mong umalis na hindi man lang nagpa-alam sa akin, akala ko hindi mo ako mahal, na ako lang-", her words were cut of the air when he kiss her. That was just a gentle soft kiss. "I love you before I knew it", he said while giving her another dose of kiss. *Wakas*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD