Hindi niya maibuka ang kanyang bibig nang kanyang matunghayan ang kanyang ama sa pintuan. Tumama ang mga mata nito diretso kay Elizaela. Hindi ito makapaniwalang matunghayan ang dalagang buhay at humihinga. Nagmamakaawa ang dalaga kay Sarhento Guevarra. "Anong ginawa mo, Elias? Anong ibig sabihin nito?" Tumungo ito sa dalaga at tinanggal ang takip na nakasupalpal sa bibig nito. Kaagad na humingi ng tulong ang dalaga kaya nagsalita ito. "Sarhento, pakawalan niyo ako rito. Pakiusap. Nababaliw na ang iyong anak," naluluha nitong aniya. Binalingan kaagad ng Sarhento ang kanyang anak. "Buhay si Elizaela, Elias! Ibig sabihin ba nitong ang bangkay na natagpuan sa nasusunog na karwahe noong mga nakaraan ay si Tamaranea?" Hinawakan nito ang kuwelyo ng suot ni Elias. "Kaya ba siya ay hindi maha

