Sinulyapan niya nang mariin ang puntod ni Elizaela. Unti-unti siyang umupo habang nanatili pa ring nakaharap sa pinaglibingan nito. Makakitaan sa kanyang mukha ang awa sa sinapit ng dalaga. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang kumpol na bulaklak na kanyang ihahandog. Tuluyan na niya itong nailapag sa ibabaw ng puntod. “Paumanhin sa aking nagawa sa iyo aking pinakamamahal.” Nakapagbigay ng alinlangan ang kanyang paghingi ng kapatawaran sapagkat, hindi malalaman kung siya ba ay mayroong sinseridad o nagbabalat-kayo lamang. Pinahiran niya ang ibabaw ng puntod gamit ang kanyang palad. Winaldas niya ang maalikabok na piraso ng lupa upang kanyang mabasa ang nakasulat doon. “Elizaela Escelante... napaka-aya-aya talaga ng iyong pangalan aking irog.” Nawaldas ang awa sa kanyang katauhan at naila

