“Tamaan mo ang bunga ng niyog na ngayo’y nasa itaas ng aking ulo,” anang Anchor. Nakatayo ito nang maayos at naghihintay sa pagbaril ni Diego. Kumunot ang kanyang noo nang tuluyang binitawan ni Diego ang rebolber at inilapag ito sa malapitang mesang gawa sa kawayan. “Hindi ko ’yan magagawa, Pinuno. Paumanhin,” ang diretso nitong turan. Lubusang nadismaya si Anchor sa inasta ni Diego. Nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan habang ang mga mata ay ipinupukol pa rin sa binata. “Akala ko ba matapang ka. Hindi ka pala naiiba sa mga taong aking nakilala,” bulyaw nito kay Diego. Mas pinili ni Diego na hindi pakinggan ang mga isinambulat nito at mas ninais na tumalikod at magsimulang maglakad patungo sa kubo. “Akala ko ba ay para ito sa mga taong lubusan mong binibigyan ng halaga ngunit n

