Wala sa sariling nagmuni-muni si Sarhento Guevarra habang siya ay pabalik-pabalik sa kanyang paglalakad sa loob ng kanyang tahanan. Malalim ang kanyang pag-iisip patungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa ari-ariang ipinagkaloob sa kanya ng gobernador-heneral. Bilang panganay ng gobernadorcillo at kapatid nito, sa kanya itatalaga ang mga nahabilin nitong ari-ariang pinagsikapan ng kanyang nakabubunsong kapatid. Wala sa sarili itong nagpaligoy-ligoy sa loob ng kanyang tahanan. Hindi niya inaasahan ang lahat nang naganap sa kanyang buhay, mula nang nangyari 'yon sa kanyang kapatid na gobernadorcillo. Labis ang kanyang kalungkutan sa pagkasawi nito at ang pagwalay ng kanyang pamangking si Diego at ang ina nitong si Doña Estepha. Ipinangako pa naman niya sa kanyang kapatid na hindi niya pababay

