Pinagitnaan ng kanyang mga magulang si Roberto. Siya'y nasa murang edad pa lamang kaya labis siyang inaalagaan ng kanyang ina at ama. Magkahawak-kamay silang tatlo habang nakahiga. Nilalawig nila ang kanilang mga isipan sa kung saan-saan. Kaisa-isang anak ng mag-asawang Don Olivio at Doña Selena si Roberto at matagal nang nais ng mag-asawang ito na masundan balang-araw ang kanilang panganay na anak ngunit, kahabag-habag na kaganapan ang tumimo sa kanilang katauhan nang kanilang mapagtanto muli sa kanilang mga sarili na hanggang pangarap lamang ang kanilang mga nais dahil malabo naman ang kanilang mga pinapangarap. Likas na sa kanilang mga angkan ang pagkakaroon lamang ng isang anak kaya malabong magkaroon sila muli ng isa pang supling. Kagaya ng kanyang ama at ina ay hinahangad din ni Ro

