Kabanata 34

1649 Words

Patuloy na nagbubuwal ng lupa ang mga polista. Kahit na tirik na tirik ang araw ay hindi nila ito iniinda. Kahit ang kanilang mga tiyan ay nag-aalburato sapagkat kaninang umaga pa ito hindi nagkalaman. Walang pagod pa rin sila sa pagtratrabaho. Tagistis ang kanilang mga pawis. Wala silang masyadong pahinga sapagkat, kung ito'y kanilang gagawin, siguradong matutugis sila ng mga namamahala sa polo y servicio. Unti-unting pinahiran ni Diego ang kanyang mukha. Kahit na labis na ang kanyang dinamdam na pagod ay patuloy niya pa rin itong kinakaya. Hindi niya nanaisin na humantong pa muli sa gulo ang takbo ng kanilang buhay. Hindi niya kayang may mangyaring masama sa kanyang ina. Tiningnan niya ang kanyang mga kasamahang mga polista at kagaya niya, halata sa mga mukha nito ang labis na pagod,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD