Biglaang tumigil ang pagmamaneho ni Hector sa kalesang sinasakyan nila Diego nang may humarang na kalesa sa kanilang harapan. Isang matikas at matipunong ginoo ang nasilayan nilang lumabas sa karwahe. Nang mapagtanto kung sino ang kanilang kaharap ay hindi na rin sila nag-alinlangang sumunod sa paglabas. Iniabot kaagad ni Tenyente Agoncillo ang kanyang kamay sa ngayong ginoong kanyang kaharap bilang pasasalamat sa malaking tulong na naihandog nito. "Nagagalak akong nasilayan kayong nagtagumpay sa pagkuha kay Elizaela ngunit kailangan niyo nang kaagad na tumungong muli sa kuta sapagkat iilang oras ay magsisimula na sila sa pagmanman sa posibleng mga daanan ninyo. May panahon pa kayong isagawa iyon kaya hindi ko na papatagalin pa ang aking pakikipag-usap," ang wika ng arkitekto. "Saan k

