17
Sabay nag lunch ang new couple na sina Michael at Allyrissa. Hindi naman din kasi makita ni Allyrissa si Veniscio.
"So, ano pala ang sabi ni Ford?" tanong ni Michael.
"Wala lang..."
"Hindi ba siya nagalit or something?" tanong ulit ni Michael habang ini slice ang kanyang meat.
"Hindi naman, chill nga lang siya eh," sagot ni Allyrissa.
Inabot ni Allyrissa ang balat ng manok atsakan nagkamay sa pagkain. Pagkatingin ni Allyrissa kay Michael ay parang nandiri ito. "Ah hehe... sorry, masarap kasi." Nahihiyang sabi ni Allyrissa.
"Here," binigyan siya ni Michael ng wipes para punasan ang kanyang kamay.
Allyrissa didn't mind it, para sa kanya ay tama naman si Michael.
***
Nag-lunch si Hasna kasama si Veniscio nagpapasalamat siya dahil wala si nakaka-inis na si Antonia. Hindi niya alam kung asan na iyon, pagkatapos kasi ng match nila ni Veniscio ay wala na.
Nakatitig lang si Hasna kay Veniscio habang kumakain ito. Grabe ito kung kumain, parang nakakaubos ng dalawang kaldero pati nga ang pagkain niya ay kinukuha na nito.
"Hindi ka ba pinapakain ng nanay mo?" tanong ni Hasna.
"mminakaimmn namam maso," lumunok si Veniscio "mas masarap ang pagkain dito." Nagawa pang mag smile ni Veniscio saka sumubo nanamna ng malaki.
'unbelievable!' sabi ni Hasna sa utak niya.
"So kailan mo balak bumisita sa Orphanage?" tanong ni Hasna. Natalo niya kasi ito.
"Hmm... maka mukm malam"
"Kumain ka na nga lang muna! Ang takaw-takaw mo tsk!"
Nag roll ng eyes niya si Hasna. Kahit ganon ang pinapakita niya sa labas ay natutuwa parin siya Veniscio. Kung titigan niya kasi si Veniscio na ang gana kumain ay parang nabubusog na rin siya. Weird.
Pagbalik nila sa area nila ay agad pumulupot si Antonia sa braso ni Veniscio which made Hasna roll her eyes. Ito nanaman ang demonyang babae.
***
"Allyrissa, paki-bili ng chips at drinks," sabi ni Ford at naglabas ng pera.
Kinuha ni Allyrissa ang pera at pumuntang canteen.
Pagbalik niya ay nakita niya si Crissa at Michael ang nag partner sa isang lyrical dance. Nakaramdam siya ng selos pero nagsasayaw lang naman sila diba?
"You don't have to be jealous. If he loves you then you don't have to worry bout anything."
Nagulat si Allyrissa sa bigla biglang sumulpot na si Ford.
Kinuha ni Ford ang chips and drinks.
"Water at sorry dahil hindi ito distilled. Nakita ko kasi sa advertisement sa TV na mas maganda ang minerals sa katawan kaya Le Minerale," sabi ni Allyrissa.
"Thanks," sabi ni Ford na nakangite at itinap ang ulo ni Allyrissa bago umalis.
Siyempre nakita iyon ni Michael na ikina-selos din niya. It feels like gusto parin ni Ford ng isang competition between them.
"Guys, break na daw muna," sabi ni Josh.
Binigyan ni Allyrissa si Michael ng maiinom at naupo sila sa bleacher. "Inutusan ka ba ng gago na iyon?" tanong ni Michael.
"Oo, palage naman eh. Nasanay naman na ako," sagot ni Allyrissa.
"Sa susunod babe, huwag kanang pumayag na utusan ka lang niya. Walang dapat umutos sa babe ko," sweet na sabi ni Michael saka hinalikan sa ulo si Allyrissa.
Nag giggle naman si Allyrissa. "Alam mo, ang galing- galing mong sumayaw. Number one fan mo ako!"
"Dapat lang noh! Mahal kita," sabi ni Michael.
"Mas mahal kita," ani ni Allyrissa.
Nakita ni Ford ang ka- sweetan ni Michael at Allyrissa. He smiled at the thought na buti hindi niya nasaktan si Allyrissa. He wants to be a better man and he's doing it now.
***
Malapit na ang uwian at putik! Hindi parin lumalayo si Antonia kay Veniscio. Nagtitimpi lang talaga si Hasna na hindi sugurin ang babaeng malandi na iyan!
"Parang may gusto ka yatang patayin ha?" sabbi ni Brye kay Hasna habang umupo ito sa gilid niya at tiningnan kung saan nakatingin si Hasna. "Ah... may gusto ka pala kay Veniscio?"
"Wala akong gusto kay Veniscio pero naiinis lang talaga ako kay Antonia. Look at the way she behaves? Hindi ako ganoon kung umasta around guys!" Halatang naiirita na si Hasna. Sa tono palang ng boses niya'y konti nalang at mapapatay niya na si Antonia.
"Chill ka lang! Iba-iba naman ang mga tao eh kaya hayaan mo na iyan, ikaw pa ma e stress diyan sa kanya," sabi ni Brye. May point naman rin kasi ito kaya natawa nalang si Hasna.
"That's good, tawanan nalang natin," sabi si Brye.
"Para kasing nang backstab tayo eh, amfuta."
Nag-kwentuhan lang si Brye at Hasna hanggang sa uwian na talaga.
Tatanungin sana ni Hasna si Veniscio kung pupunta ba ito bukas sa orphanage pero nawala nalang ito bigla. Hindi man sabihin ni Hasna ay makikita sa mukha niyang nalulungjot siya.
***
Pumunta na muna sila Michael at Allyrissa sa mall pagkatapos ng practice. Pumasok sila sa shop na nag titinda ng milk tea. Naupo na muna sia sa isang table and Michael was staring at Allyrissa.
" Bakit mo ako tinititigan?" Tanong ni Allyrissa.
"Bakit? Bawal ba titigan ang maganda kong girlfriend?" tanong pabalik ni Michael.
Kinilig naman doon si Allyrissa at napa-ngite nalang siya. "Bolero ka din!"
Hindi napigilan ni Michael and he pinched he cupped her face sabay sabing, "Ang cute, cute mo!" Then ninakaawan niya ito ng halik.
Nag-smirk si Michael habang si Allyrissa naman ay pinipigilan ang pag ngite habang nag sip sa kanyang milk tea.
Ilang saglit lang ay umalis na sila, napatapat sila sa movies pero hindi nalang sila nanood dahil wala namang maganda doon. Pagka daan nila sa may doughnuts ay nagpa bili si Allyrissa kay Michael. Then nag world of fun sila na ang na-exchange lang sa kanilang ticket ay mga candies.
"Let's go sa may mga jar and boxes section," sabi ni Michael.
"Ano gagawin mo sa jar and boxes?" nag-tatakang tanong ni Allyrissa.
Hindi sumagot si Michael at hinatak na lamang bigla si Allyrissa patungo sa mga furniture, glasses, figurines at yung lahat nababasag na pang display sa bahay.
Hawak-hawak pa din ni Michael ang kamay ni Allyrissa habang pumipili ng maliliit na jars.
Napa-isip naman si Allyrissa kung aanhin ba ng boyfie niya ang jar. Inalis ni Allyrissa ang pagka-hawak ni Michael sa kanyang kamay that made Michael throw a confused look at her.
"Maghahanap din ako. Like doon lang," sabi ni Allyrissa sabay turo sa gilid na shelf.
Nag-dalawang isip si Michael na payagan ito pero dahil nag-puppy eyes si Allyrissa ay napa-payag ito.
"Huwag ka lalayo ah! Pag may lalaking akmang lalapit, lumayo ka agad!" utos ni Michael.
Malapad ang ngite ni Allyrissa papunta sa gilid na shelf.
Sa una ay tumitingin lang si Allyrissa sa mga figurines then sa malalaking mga jars hanggang sa mga salamin na siya napunta. Tiningnan niya pa ang sarili sa salamin at nagpaganda. Habang tinitingnan niya ang kanyang reflection ay may napansin siya sa likod niya.
"L-lita?"
Lumaki ang kanyang mata na naka harap parin sa salamin. She's too scared na kapag lumingon siya'y wala pala ito. Naka- hoodie ito at long pants, pero alam na alam ni Allyrissa ang mukha ni Lita.
Tinititigan parin ni Allyrissa ang refelection ng kanyang inaakalang si Lita. Namili rin kasi ito ng mga boxes, hanggang sa lumingon din ito kay Allyrissa and their eyes met.
Her eyes widened in surprise to see the person clearly, especially noong nag- smirk na ito.