18
Nagtaka si Michael nang hindi pa nakaka-balik si Allyrissa. Ngayon niya lang napansin na nakita niya na ang perfect jar para sa kanilang napanalunan na mga candies.
Hinanap ni Michael si Allyrissa. Kinuha niya ang phone niya at dinial ang number ni Allyrissa. While it's ringing ay lumingon siya to see if nasa left lang ba hangang sa may nakabangga siya at muntik niya na mabitawan ang jar.
Magagalit na sana siya pero pagkakita niya ay si Allyrissa lang pala ito. Napansin niyang pinag pawisan ito na para bang nakakita ng multo. Hinawakan ni Michael ang mukha ni Allyrissa.
"Are you okay?" tanong ni Michael.
"O-oo okay l-lang ako," sagot ni Allyrissa pero parang hindi panatag si Michael sa sagot ni Allyrissa.
"Para kang hinabol ng multo. You look really pale," sabi ni Michael.
"Kulang lang siguro sa tubig at uhm... pwede bang umuwi na tayo pagka tapos mong bilhin ang jar. I don't feel so well," sabi ni Allyrissa.
Tumago si Michael at hinalikan ang noo ni Allyrissa. He sense na may something na nangyari kay Allyrissa while nawala ito sa kanyang paningin.
***
Inihatid na nga ni Michael si Allyrissa sa bahay nila.
Pagka-tapos nilang mag goodnight sa isa't-isa ay dali daling pumasok si Allyrissa sa bahay. Nag-mano lang nga siya sa tatay niya at agad pumasok sa room nito. Hindi naman nagtaka ang tatay dahil kilalang- kilala na nito ang anak and he trusts her.
Pagkapasok na pagkapasok ni Allyrissa sa kanyang kwarto ay agad niya inihagis sa gilid ang kanyang bag. Grabe ang t***k ng kanyang puso, para itong sasabok sa bilis. Dali-dali niyang kinuha ang isa sa mga box niyang nasa kanyang cabinet at binuksan ito.
Laman nito ay ang mga sulat at mga bagay na binigay sakanya ng taong nakita niya kani-kanina lang. Binasa niya isa-isa ang labels. Tiningnan niya mabuti ang mga dates ng mga sulat and then she found what she's looking for.
"Oh my God..." bulong ni Allyrissa.
Insakto ang nakasulat sa label ng letter at ang date sa araw na iyon.
"Hindi siya pwedeng bumalik"
Binuksan ni Allyrissa ang letter and she read it.
Allyrissa, I apologize na hindi ko sinabing babalik na akong Sweden. The seasons has changed and so does my decision. Hindi kita iniiwan dahil hindi na kita mahal, iniiwan kita dahil I need to focus on my life and so do you... I know it's not the date today but that's the date na babalik ako and I hope you'll read this in front of me. I hope you waited cause I'm never going to love someone the way I love you.
Kung may mahal kanang iba on this day that I came back; I guess I need to ask you who do you love now? But understand this, No matter your answer, I will always want you back.
~X-Limario
Napatakip sa kanyang bibig si Allyrissa. He can't come back. She knows na mess lang ang dala ng pag babalik ni Limario. That guy has that undeniable charisma that makes you drawn to him and you can't resist it. There's just no way she can resist it!
Nahiga si Allyrissa sa kanyang kama at tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha saka siya nag sisigaw at nag gulong kulong sa kanyang kama.
***
"Oh diba hinahanap mo si Lita? Kambal sila diba? Sa ex mo siya hanapin!"
"Nag-iisip ka ba ha, singkit? Ex ko nga diba? Ang awkward non, magtatanong lang ako kung nasaan kapatid niya. Paano kung mapalapit nanaman ako sa kanya? Dead ako!"
"Shunga ka! Wala naman masama ha? Unless, mahal mo pa yang ex mo, pulubi... malala yan," sabi ni Veniscio.
Hindi na kasi matiis ni Allyrissa ang kanyang nararamdaman kaya tinawagan niya ang bestfriend niya. And here they are talking about her ex.
"Siyempre wala na! Apat na taon iyon! Iniwan niya ako bigla-bigla noh tapos ngayon magbabalik siya na parang wala lang? Haler mahal ko si Michael!"
"Hmm... apat na taon and you're still keeping his letters. Iyon ba iyong wala ng nararamdaman, pulubi? Or you just think you don't anymore kasi natatakpan na ang pagmamahal ng hatred dahil sa iniwan ka niya?"
Natahimik doon si Allyrissa.
Mahal pa niya ba talaga ito?
*****
"Ate, ate!"
Nagising si Hasna dahil sa tawag ng isa sa mga bata sa orphange.
"Ate, sabi ni sister ay kumain na daw tayo."
"hmm... susunod ako," sagot ni Hasna atsaka siya nga-yawn.
Hindi na siya nang hilamos at naka sando lang din siya at maikling short. Sanay nanaman kasi ang mga bata sa kanya. Kahit minsan ay sinisita siya ng madre ay ganoon pa rin siya.
Gulong- gulo ang buhok niyang bumaba at pumuntang hapag kainan.
"Good morning mga ba—"
Hindi natuloy ni Hasna ang sasabihin dahil nakita niya si Veniscio. Her eyes widened to see him with the kids. And then she realized na ang panget ng itsura niya.
"Good morning," bati ni Veniscio na naka ngite.
Nahiya si Hasna kaya dahan-dahan na tuloy siyang umupo at hindi man lang maka-tingin kay Veniscio.
"Kaya nga sabi ko mag-ayos muna bago bumaba," dagdag pa ng madre na namamahala sa orphanage.
The whole breakfast nila ay tahimik lang si Hasna. She never expected na pupunta si Veniscio since hindi nito sinabing ngayon siya dadalaw.
Habang nang huhugas ng pinggan si Hasna ay nag-iisip siya kung ano na ba ang na-iisip ni Veniscio tungkol sa kanya. Siguro ay nag-iisip na nito na she's so ugly and vulnerable at pwede na siya laitin dahil sa nakita ni Veniscio.
"Hey!" Biglang sulpot ni Veniscio sa gilid ni Hasna dahilan para mabitawan niya ang kanyang platong binabanlawan. Buti nalang ay nasalo ito ni Veniscio.
"Ba't ka kasi nang gugulat?" tanong ni Hasna at kinuha ang plate na nasa kamay ni Veniscio.
"Hindi naman kita ginulat ah! Bumati lang naman!" sagot ni Veniscio at kinuha ulit ang plate. "Tumabi ka at ako mang-huhugas." Binangga ni Veniscio si Hasna para siya ang mapunta infront of the sink.
Nag tsk nalang si Hasna at inilagay ang isang kamay sa hip niya. "Wow! I never expected that an heir sa isang malaking company knows how to wash plates."
"There's more I can do than sign papers," ani ni Veniscio. Hindi na siya mag-tataka kung bakit alam ni Hasna ang tungkol sa pamilya niya.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit ko alam?"
"Nope but I bet gusto mo itanong kung bakit ako nagpapa lowkey," sagot ni Veniscio "It's cause I don't want attention dahil sa pera ko. I want them to notice me for me."
"Hmm... make sense."
Nang matapos sila sa paghuhugas ay bumalik sila sa kung saan naglalaro ang mga bata. Sumali narin si Hasna sa kanila. They were playing, coloring drawings and Hasna was teaching them all while Veniscio was fascinated. Nasa mga fifteen ang mga kids na nandoon.
"She's has a good heart for those kids," sabi ng madre na namamahala sa orphanage.
"I know, ma'am. Dapat kasi ngayon manlilibre ako but hindi ko alam ano ang bibilhin and I'm not good with kids," sagot ni Veniscio sabay kamot sa ulo niya.
"Si Hasna, masarap siya magluto. Kayong dalawa nalang mamili ng mga sangkap and then you both can cook for the kids," suggest ng madre.
Kaya ayon napagkasunduan nila na sila na dalawa ang bibili ng mga ingredients. Nag-bihis si Hasna and she made sure na presentable siya.
Lumabas na sila sa Orphanage at papara na sana si Hasna ng tricycle nang hawakan ni Veniscio ang kamay nitong nasa air. He filled the spaces between her fingers dahilan para ma frozen sandali si Hasna. Naramdaman niya ang kuryente na dumaloy sa kanyang kamay and it made her smile secretly.
Nang nasa harap na sila ng sasakyan ay binuksan ni Veniscio ang door at pinasakay si Hasna. She felt important for a moment. Then nag turn sa side si Veniscio and when he was in he started the engine and they gone.
Pagka-dating nila sa mall ay nauna maglakad si Hasna. Nahihiya na kasi siya kay Veniscio, hindi niya rin alam kung bakit nahihiya na siya dito. Maybe dahil she likes him?
Nag-iisip non si Hasna nang bigla siyang hilahin pa balik ni Veniscio and sumalpok siya sa dibdib nito. It went slo-mo for her especially nang humarap na siya kay Veniscio and their gaze met. Para siyang nawala sa earth na ewan, nakatitig lang siya dito.
"Okay ka lang ba ngayon? Parang wala ka sa sarili ha? Muntik ka na mabangga sa shelf," sabi ni Veniscio then tumawa ito ng bahagya.
"May sakit ka ba ngayon?" tanong ni Veniscio at hinawakan ang forehead ni Hasna.
Agad naman inalis ni Hasna ang kamay ni Veniscio. "O-okay lang ako. May na-isip lang!" sagot ni Hasna at nag-patuloy na sa pag-lalakad.
"Ano naman iniisip mo? Share mo naman, huwag kang others!"
"Akin nalang iyon noh!" yell ni Hasna at nauna nanamang mag lakad. Ayaw niya makita ni Veniscio na namumula na siya.