43. Yllona Eloise Del Fuente's POV Madilim na ang paligid ng imulat ko ang mga mata ko, ang kisame ng tinutuluyan kong guest room ang siyang sumalubong sa akin. Ang tanging nagbibigay liwanag lang sa paligid ay ang bukas na lamp shade na nakapatong sa tokador sa gilid ng kama. Gising na gising na ang diwa ko pero wala akong gana para bumangon ngayon. Muling nagbalik ang mga alaala sa akin bago ko matagpuan ang sarili rito sa kama. Ang huling natatandaan ko na lang sa mga nangyari kanina ay nabitawan ko ang hawak kong walking stick, matapos marinig ang pagbanggit ni Leslie tungkol sa death anniversary ng parents ko. Humugot ako ng malalim na paghinga nang maramdaman ang matinding kirot sa puso ko. Pero, hindi katulad kanina ay hindi na ako nag-panic at tila nawala sa sarili na halos hi

