44. Now, I remember. Naaalala ko na kung bakit pagkatapos naming tapusin ang namamagitan sa 'min noon ay hindi ko na nagawang makipagkita pa sa iba, o kahit magkaroon man lang ng kausap. Limang taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang dating Zion na handang indahin lahat ng sakit para lang iparamdam sa akin na mahalaga ako at mahal niya ako. Siya pa rin ang lalaking unang nagpalambot sa puso kong matigas pa sa bato. Siya pa rin ang dating Zion na kayang itaya lahat para lang mahalin ako. At ngayon habang pinuproseso ang lahat ng sinabi niya at tinititigan ang puno ng emosyon niyang mga mata. Alam ko na ang sagot kong hindi ko masabi-sabi sa kaniya nakaraang gabi. Ang sagot na takot akong harapin at aminin. Dahil hindi katulad niya, hindi ko kayang maging totoo sa nararamdaman ko. Hin

